NANGINGIBABAW – na dapat lamang – ang mga big men sa PBA Governors Cup.

Ramdam ang lakas ng San Miguel at Meralco sa presensiya nina 6-foot-10 center June Mar Fajardo at Raymund Almazan, higit sa krusyal na sandali ng kani-kanilang laro nitong Oct. 14 to 20, sapat para mapili sila sa PBA Press Corps-Cignal Co-Player of the Week.

Ito ang ikalawang pagkakataon na may dalawang players na napili -- Troy Rosario ng TnT Katropa at Alaska’s Jeron Teng sa nakalipas na linggo.

Hataw ang 29-anyos na si Fajardo sa natipang 19 puntos, at 13 rebounds, at may apat na ssists sa panalo ng San Miguel kontra Columbian Dyip, 113-107.

Umusad ang Beermen sa 5-1 overall para solo second.

'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala

Kumana naman si Almazan ng 19 puntos at 10 rebounds sa panalo ng Bolts sa Blackwater, 106-97. Kumubra ang Bolts sa 4-2 karta.

Kabilang sa mga ginapi nila sa parangan sina Barangay Ginebra Japeth Aguilar, Stanley Pringle, at Scottie Thompson, gayundin sinA Kiefer Ravena At JR Quinahan ng NLEX.