KAISA si Jimmy Alapag sa panawagan na suportahan ang mga atletang may kakayahang magwagi sa World Championship at maging sa Olympics, ngunit huwag mawalan ng pag-asa sa basketball.
Iginiit ni Alapag, miyembro ng Gilas Pilipinas na bumasag sa matagal nang pananamlay ng basketball sa World stage noong 2014, na tunay na nakakaumay ang kabiguan ng Pinoy cagers aa international arena, subalit hindi ito sapat upang abandunahin ang suporta sa basketball.
“The essence of sports is having a chance to win,” pahayag ni Alapag. “I understand the misery of Filipino basketball fans, but don’t loss hope. Just play the game,” pahayag ni Alapag, muling gagabayan ang Alab Pilipinas sa nalalapit na pagbubukas ng Asian Basketball League (ABL).
“Nakakalungkot, pero this is what sports like, you win some, lose some. But never, ever loss hope. Filipino loves basketball, laban lang,” aniya.
Naging maugong ang panawagan na huwag nang magaksaya ng pondo sa basketball at ituon ang lahat sa individual sports na may kakayahang magwagi sa Olympics at World stage tulad nina gymnastics Carlo Yulo at boxer Nesthy Pretecio na kapwa nagwagi ng gintong medalya sa World Championship.
Kauna-unahang Pinoy naman na nakausad sa 2020 Tokyo Olympics si pole vaulter EJ Obeina, habang malaki ang tsansa ni Rio Olympics weightlifter Hidilin Diaz na muling mapasabak sa quadrennial Games.
Ang Philippine basketball? Olat sa nakalipas na FIBA World Championship, ngunit malaki ang tsana na manatiling kampeon sa Sea Games.
“I understand the feeling. Pati si Senator Manny Pacquiao is giving up in basketball. Pero, ganyan talaga. Puwede naman nating suportahan ang lahat, specially yung mga Olympics potential, but let’s not abandon basketball,let’s continue supporting the sports closest in our heart,” pahayag ni Alapag sa kanyang pagbisita kahapon sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, PAGCOR, Community Basketball Association, at NPC.
-Edwin Rollon