BIBITIWAN ang pinakaaa­bangang ikaanim na pagtatanghal ng Pasay ‘The Travel City’ Racing Festival sa Nobyembre 3 sa Metro­Turf Racing Complex sa Malvar, Batangas.

Kabuuang 12 palaban na kabayo ang nominado para sa tampok na 6th Pasay ‘The Travel City’ Cup. Ito ay sina Certain To Win, Garantisado, Gomper Gird. Metamorphosis, Pangalusian Island, Scarborough Shoal, Sooner Time, Stella Malone, Summer Romance, Truly Ponti, Und Kantar, at Victorious Colt.

Pitong kalahok naman ang magtatagisan para sa 6th Pasay Rep. Tony Calixto Cup. Ito ay sina Boss Emong, My Jopay, Patong Patong, Refuse To lose, Shanghai Grey, Toy For the Big Boy, at The Accountant.

Ang dalawang stakes race na ito na parehong paglalabanan sa distansiyang 1,600 metro ay may total guaranteed prize na P700,000 bawat isa para sa top four placers.

Ang ikatlong malaking karera sa taunang festival na ito ay ang 5th Former Pasay mayor Eduardo ‘Duay’ Calixto Memorial Cup na paglalabanan naman nina Harapin Mo, Joyous Solution, Mark of Excellence, Miss Campbell, Queensboro, To It’s Si Bing, Top Attraction, at Union Run. Ito ay may kabuuang premyong P300,000 at may distansiyang 1,600 metro.

Alex Eala, umariba bilang world no. 29!

“We are now on the sixth edition of this annual racing festivities that is part of the Pasay City founding anniversary celebration. This is getting bigger every year and and we would like to invite you to be a part of this year’s affair,” sabi ni Pasay City Rep. Tony Calixto.

Dagdag pa ni Calixto, naghanda sila ng maraming raffle items para sa Bayang Karerista na pupunta sa Metro Turf.

May walong iba pang major Trophy Races na gaganapin sa araw na ito: Pasay City Mayor Emi-Calixto Rubiano Trophy Race, Pasay Vice Mayor Noel del Rosario Trophy Race, Coun. Mark Calixto Trophy Race, Pasay City Engineer’s Trophy Race, Pasay City Councilors District I Trophy Race, Pasay City Councilors District II Trophy Race, Pasay City Barangays Trophy Race, at ang Resorts World Manila Trophy Race.

Lahat ng mga mananalong kalahok dito ay mag-uuwi ng karagdagang P30,000 premyo bukod pa sa kaloob na magagarang tropeo.