LOS ANGELES (AP) – Maagang nasentro ang hidwaan sa Hollywood at sa duwelo nang dalawang koponan sa bayan ng mga celebrities, higit na maningning ang Los Angeles Clippers.

Sa pangungguna ni Kawhi Leonard, last season Finals MVP, na kumana ng 30 puntos, naungusan ng Clippers ang LeBron James-Anthony Davis tandem ng Lakers, 112-102, sa opening day ng NBA nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).
Nag-ambag si Lou Williams ng 21 puntos at kumana si Montrezl Harrell ng 17 puntos mula sa bench para sa impresibong panalo ng Clippers laban sa koponan na maagang pinaboran na maghahari ngayong season.
Lumipat si Leonard sa Clippers matapos makamit ang ikalawang NBA title sa koponan ng Toronto Raptors sa nakalipas na taon.
Tulad ng inaasahang, malakas ang dating ng Lakers 1-2 punch. Ratsada si Davis na may 25 puntos mula sa 9 of 14 free throws, at umiskor si James ng 18 puntos. Nanguna si Danny Green na may 28 puntos.
Hindi naman nakalaro ang bagong recruit na si Paul George bunsod ng injury.
RAPTORS 130, PELICANS
Sa Toronto, sinimulan ng Raptors ang pagdepensa sa korona sa makapigil-hiningang 130-122 panalo kontra New Orleans Pelicans sa overtime.
Nagsalansan si Fred VanVleet ng career-high 34 puntos, habang tumipa si Pascal Siakam ng 34 puntos at 18 rebounds para sandigan ang Raptors sa post- Kawhi Leonard season.
Nag-ambag so Kyle Lowry ng 22 puntos.
Nanguna si Brandon Ingram sa Lakers na may 22 puntos, habang tumipa si Josh Hart had 15 points and 10 rebounds para sa New Orleans