“NAGUSTUHAN n’yo po, promise?” ito ang tanong sa amin ni Sarah Geronimo nang batiin namin siya pagkatapos ng premiere night ng pelikulang Unforgettable na palabas na kahapon handog ng Viva Films at idinirek nina Jun Lana at Perci M. Intalan.

SARAH N HAPPY

Muli na namang pinaiyak ni Sarah ang mga nakapanood ng Unforgettable tulad ng huli niyang pelikulang Miss Granny.

Ang pagkakaiba ng bagong karakter ng aktres sa pelikula ay isa siyang special girl at sayang nga hindi namin naitanong kung sino ang mga nakausap o na-interview niya para mabigyan ng justice ni Jasmin (karakter ni Sarah) ang role niya sa pelikula.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Halos lahat ng eksena ni Sarah sa pelikula ay pinapalakpakan lalo na ang eksena niya sa swimming pool na ang nakapagpahinahon lang sa kanya ay ang bago niyang kaibigang dog na si Happy.

Nang maka-chat namin si direk Perci bago pa ipalabas ang Unforgettable at nabanggit namin ang karakter ni Sarah at sabi nga niya hindi nila na-discuss sa presscon ang tungkol sa bagong role ng aktres dahil mahirap i-explain kung hindi pa napanood ang pelikula na tama rin naman.

Kaya pagkatapos ng premiere night ay ito kaagad ang topic ng mga katoto at napakaganda ng diskusyon na hindi natapos nu’ng gabi dahil hanggang sa ibang presscon na ang dinaluhan namin ay si Sarah G pa rin ang pinag-uusapan.

Hmm, curious tuloy kami kung magkano kinita ng Unforgettable sa unang araw ng pagpapalabas nito kahapon.

Rated G o General Patronage ang Unforgettable kaya kahit isang bata ay puwedeng manood nito.

Anyway, lahat ng pelikulang nagawa ni Sarah ay napanood namin at itong Unforgettable lang ang hindi romcom at wala siyang leading man pero nakaya niyang dalhin ang pelikula kasama si Happy na madalas niyang kausap.

Kaya naman pala umabot ng 25 shooting days dahil mahirap ang shooting at location bukod pa sa napakaraming ipinagawa kay Happy. Kaya naman bidang-bida ang bagong sikat na pet sa pelikula.

Pero siyempre, hindi naman mabubuo ang magagandang eksena kung wala sina Ara Mina, Gina Pareno, Anne Curtis, ang mag-inang Yayo Aguila at bida ng Jowable na si Kim Molina at si Regine Velasquez.

Ang ganda ng palitan ng linya nina Regine at Sarah plus Kim, sana maisip ni Boss Vic del Rosario na pagsamahin sa pelikula ang tatlo dahil nakatitiyak kaming blockbuster ito.

Speaking of Regine ay nabanggit namin sa kanya na sana pagsamahin sila ni Sarah G sa pelikula base sa magandang chemistry nila sa Unforgettable at napangiti siya, “talaga ba, sana nga,” sagot sa amin.

Going back to Sarah G ay isa ito sa best film niya at posibleng manalo siyang Best Actress sa 2020.

-REGGEE BONOAN