NITONG nakaraang linggo ay may kumalat na balitang buntis ang kilalang aktres at aktibo raw ito ngayon sa kanyang karera. Kanya-kanyang hula ang lahat kaya pagkatapos ng grand presscon ng bagong reality show ng ABS-CBN na Your Moment ay kinuyog ng entertainment press, bloggers at online writers ang isa sa mga hurado na si Nadine Lustre.

Nagulat si Nadine sa tanong sa kanya at ang reaksyon kaagad niya ay, “ha? Buntis ako, bakit hindi ko alam na buntis ako! Talaga ba? Hindi naman.

“I guess kasi buong taon tuluy-tuloy rin po ako, so I think well deserve ko rin naman ang magpahinga and may mga kailangan din po akong asikasuhin outside po sa showbiz,” katwiran ng huradong aktres.

Inamin din ng dalaga na natatawa na lang siya sa isyu, “saan po nanggaling ‘yun, sana huwag namang paniwalaan ‘di ba (habang hawak ang tummy niya).”

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

Pumayat at seksi ngayon si Nadine kaya napagkamalang buntis siya, “nagkasakit po ako, halos lahat po ng tao ngayon maysakit kagagaling lang sa rainy season (sabay ubo ng dalaga).”

Habang isinasagawa ang presscon ng Your Moment ay inamin ni Nadine na hinihika siya at ang sagot niya sa tanong na okay lang na hindi sila magkasama ng boyfriend niyang si James Reid sa project niya.

“Like I said po before hindi naman po puwedeng parati kaming magkadikit, kailangan mayroon din kaming time mag-grow separately kasi lagi naman pong ganu’n para at least pag nagkaroon kami ng projects in the future, lahat ng tao ma-excite naman,” pahayag ng aktres.

Samantala, inamin ni Nadine bilang isa sa hurado na kasama sina Billy Crawford at Boy Abunda na mahirap ang maging judge.

Aniya, “honestly mahirap mag-judge kasi lahat ng contestants napakagagaling nilang lahat kaya at the end of their performances, since very emotional na ako at sabi nga kung paano ‘yung emotional meter parang every after performance, kapag nagtatanggalan na sabi ko, ‘oh my God, sana hindi sila ‘yung natanggal!”

“Kaya lang siyempre mayroon at mayroong darating na mas magaling sa kanila kaya survival of the fittest talaga.”

Inilarawan naman ni kuya Boy kung paano ang aktres bilang hurado, “Nadine has a very strong opinion, let’s be very honest kasi siyempre lahat kami madadaldal at from the very beginning, we made sure that she was heard kasi ‘yung baon niyang point of view ay iba.”

Sa tanong sa mga hurado kung kumusta ang rapport o relationship nila sa isa’t isa pagdating sa show dahil sa isang reality show ay ito parati ang inaabangan ng viewers.

Ayon kay Nadine, “iba-iba ‘yung nao-offer namin (Billy at kuya Boy), iba-iba ‘yung angles na pinapansin namin for every performances and ako, I’m just really thankful kasi ang dami kong natutunan dito sa show na ito, mas naging open ako, mas natuto akong magsalita kasi before medyo nahihiya pa akong magsabi kung ano talaga ‘yung nararamdaman ko but because of our shoots sa taping talagang enjoy lang at marami akong natutunan kay tito Boy, super!”

Hirit naman ng kilalang talent managet at host, “at saka sobrang mapuso si Nadine kasi baon niya ‘yung pagiging artista, pag nadya-judge siya.”

At dahil naunang naging hurado si James ng Idol Philippines ay humingi ba si Nadine ng tips sa boyfriend niya para magamit niya sa Your Moment.

“Actually sa akin po siya humingi ng tips (sabay tawa kasama sina Billy at kuya Boy). Kasi ‘di ba nag-judge rin po ako saglit sa Ms Q and A (It’s Showtime), so tinatanong po niya ako kung paano ko nasasabi o napapansin ‘yung performance, paano mo naiisip kung ano ‘yung gusto mong sabihin o gusto mong i-comment. This was before pa –start palang ‘yung Idol Philippines,” pagtatapat ng dalaga.

Anyway,m mapapanood na ang Your Moment sa Nobyembre 9 kasama sina Luis at Vhong Navarro bilang hosts; sina Boy, Nadine at Billy naman ang mga hurado.

Magsisimula sa black and white ang bawat performance ngunit habang tumatakbo ito ay unti-unting magkakakulay at magkakailaw ang stage, samantalang tatlong beses namang kailangang magbigay ng score ang judges gamit ang ‘emotion meter knob’ mula sa pinakamababang score na 1 hanggang sa pinakamataas na 10. Lalabas din sa screen ang ‘emotion meter’ na ipapakita ang scores ng judges sa tuwing papatak sa tatlong ‘time markers’ (20 segundo, 60 segundo, at 90 segundo) ang performance.

Apat na levels ang kailangang pagdaanan ng acts sa kumpetisyon bago tanghaling grand champion: ang Your First Moment, Your Moment of Choice, Your Moment of Power, at Your Grand Moment.

Sa unang level na Your First Moment, tatlong singing acts at tatlong dancing acts ang tampok sa bawat episode na bibigyan ng tig-dadalawang minuto para pabilibin ang judges.

Sa Your Moment of Choice, ang ikalawang yugto ng kumpetisyon, pipiliin ng acts na may pinakamatataas na scores ang kanilang makakatunggali sa isang kaabang-abang na three-way showdown.

Sa Your Moment of Power naman, bibigyan ng pagkakataon ang top performers na mamili ng gagabay sa kanila mula sa mga batikang Pinoy at banyagang mentors sa entertainment industry.

Sa huling Your Grand Moment, magtutunggali naman ang top three acts sa dalawang kategorya at uusbong ang isang grand champion para sa pagkanta at isa naman para sa pagsayaw.

-Reggee Bonoan