HINIKAYAT ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez ang mga pribadong sponsors ng mga priority athletes na ibahagi sa media kung magkano ang halaga na kanilang ginagastos upang tustusan ang mga ito sa training, at iba pang paghahanda sa mga international competitions.

Sinabi ni Ramirez, na sa ganitong paraan, ay malalaman nila kung gaano ang halaga na kanilang maaring maitustos din sa mga mas nangangailangan pang mga atleta.
“We would like to encourage for governance, all the private sponsors how much they spend for these athletes. As part of the corporate values there must be transparency also. So we will discuss these with the sponsors, magkano ba ginagastos mo dyan, para may maibigay din kami sa mga athletes na talagang nangangailangan at sa grassroots program natin,” ayon kay Ramirez, sa isang panayam.
Ayon pa kay Ramirez, karamihan sa mga atleta na may mga r i b a d o n g sponsors na tinutulungan din ng PSC ay hindi nagagawang mailagay ang mismong pangalan ng PSC sa mga advertisements nito.
“May athletes din na ina-adopt ng isang company pero kami gumagastos din, pero di naman nakikita yung PSC na na-advertised. Iklaro din namin ito sa mga very generous sponsors, na ishare sa media how much are they spending for these athletes, kasi malamang gumagastos sila gumagastos din kami, “ ani Ramirez.
Ipinaliwang din ng PSC chief na siya ring Chef de Mission ng team Philippines para sa 30th SEA Games, ibabase na ng ahensiya ang kanilang pagbibigay ng suportang pinansyal sa mga atleta sa kanilang mga magiging performance.
Ito ay upang madetermina kung sinong atleta ang dapat na buhusan ng suportang pinansyal upang hindi mapunta sa wala ang pera ng bayan, at kung anong National Sports Association ang talagang gumastos para sa training ng kanilang mga atleta.
“After Sea Games, mag performance base na tayo buhusan natin ng gastos yung nag peperform. I think we have to look at the assistance. Para malaman natin kung magkano ginastos ng NSA, para ma- reimburse, kasi kawawa naman. People’s money has been spent on these athletes, tapos somebody’s claiming he has spent his own money din,” pahayag ni Ramirez.
Kabilang sa mga priority athletes ay sina, Hidilyn Diaz ng weightliftig, Kiyomi Watanabe ng judo, at ang mga World Champions na sina Caloy Yulo ng gymnastics at EJ Obiena ng athletics.
-Annie Abad