SA kabila ng iniindang problema sa boses ilang bago ang event, hindi na-disappoint ni Rachelle Ann Go ang audience nang mag-perform siya sa 2019 World Food Prize Laureate award ceremony na idinaos sa Iowa state capitol sa Des Moines, nitong Oktubre 17.

Rachelle

Inawit ng Singer ang Filipino song na Bayan Ko, na sinundan niya ng Broadway Medley na binubuo ng I Dreamed A Dream, On My Own, The Movie In My Mind, at Defying Gravity.

Na-extend pa ang performance ni Rachelle ng awitin niya ang Rise Up. Kung saan siya nakatanggap ng standing ovation at extended round of applause mula sa audience.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

Ipinalabas ng live ang ceremony sa Iowa Public Television.

“This experience was pretty special,” pagbabahagi niya sa Facebook, kasama ang kanyang larawan sa harap ng building.

Ang World Food Prize ay isang international award na kumikilala sa mga karangalan ng indibiduwal na may katangi-tanging ambag sa human development.

-REGINA MAE PARUNGAO