NAKOPO ng College of St. Benilde-La Salle Green Hills ang huling upuan sa semifinals nang gapiin ang season host Arellano University, 66-52, sa knockout game ng NCAA Season 95 juniors’ division sa The Arena sa San Juan.

Hataw si Jan Manansala sa naiskor na 13 puntos, walong rebounds at dalawang blocks, habang kumana si Kobe Palencia ng walong puntos, pitong boards at apat na assists, para sa Greenies.

Ratsada ang Greenies sa second quarter sa naibabang 21-7 run para makontrol ang tempo ng laro tungo sa panalo. Naitala ng St. Benilde ang pinakamalaking bentahe sa 57-30 papasok sa final period.

“It’s a big win for us, but we know the next game is a tough one because we’ll face the top seed San Beda,” pahayag ni Karl Santos, patungkol sa Red Cubs na napatikman nila ng tanging kabiguan ngayong season sa elimination.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“This is the path that we need to go through to achieve our goal of making it to the finals, and hopefully win the title again,” aniya.

Target ng Greenies na makabawi sa kabigaun sa Mapua Red Robins sa nakalipas na Finals.

Haharapin ng CSB-LSGH ang may twice-to-beat top seed San Beda sa Nov. 5 sa Cuneta Astrodome in Pasay City.

Magtutuos naman sa hiwalay na semifinal match ang Lyceum of the Philippines University kontra sa No.3 San Sebastian.

-Marivic Awitan

Iskor:

CSB-LSGH (66) – Manansala 13, Palencia 8, Quiambao 8, Macalalag 7, Calimag 7, Valenzuela 6, Dimaunahan 5, Arguelles 4, Arciaga 4, Panlilio 2, Rivera 2, Reyes 0, Gagate 0, Estil 0, Torrijos 0.

ARELLANO (52) – Sahali 13, Recto 11, Templonuevo 8, Nepomuceno 7, Rellama 5, Sablaon 3, Lime 2, Tan 2, Lopez 1, Cuenco 0, Javier 0, Salinel 0, Villarante 0, Tolentino 0.

Quarters: 16-13; 37-20; 57-30; 66- 52.

Mga Laro sa Nov. 5

(The Arena, San Juan)

10:00 n.u. -- San Beda vs CSB-LSGH (Jrs)

1:00 n.h. -- Lyceum vs SSC-R (Jrs)

4:00 n.h. -- Letran vs SSC-R (Srs)