KAY Sharon Cuneta lang ba nagpadala ng heart shaped red flowers si Angeline Quinto? Si Sharon lang kasi ang nag-post ng napakalaking heart shaped red flowers at may kasama pang ibang red flowers na kasama after ng Iconic concert nina Sharon at Regine Velasquez.

Sharon

Kung pinadalhan ni Angeline ng flower arrangement si Regine, tiyak na pinost nito. Pero si Sharon nga lang ang nag-post, ibig sabihin, siya lang ang pinadalahan ni Angeline. May kasamang card ang flower arrangement na ang nakasulat ay “Ma’am Sharon, Hi Mama. Congratulations po for Iconic Concert. I love you Ma.”

Pinost din ni Sharon ang comment niya: “My dearest Angeline, Thank you so much for this beautiful (and huge!) flower arrangement, and for watching Regine’s and my concert on our first night!I love you, anak!”

Vhong, Darren in-expose paghuhubo ni Vice Ganda!

Magkakaroon ng tour ang Iconic pero next year pa, kaya ang fans nina Sharon at Regine sa social media muna nakibalita sa ganda ng concert. Sa second night, binigyan ng standing ovation ng tao na pumuno sa Smart Araneta Coliseum.

Nabanggit pala ni Sharon na ang Iconic ang isa sa mga gagawin bago ang pinaplanong semi-retirement. Desidido na pala si Sharon na hindi na masyadong mag-active sa kanyang career two years from now.

-NITZ MIRALLES