MAY bagong talento na aabangan sa Philippine Swimming League (PSL).

Agaw pansin si Triza Tabamo sa nahakot na anim na gintong medalya sa 2019 Buccaneers Invitational Swimming Championship kamakailan sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan.

TABAMO: Bagong junior star ng PSL

TABAMO: Bagong junior star ng PSL

Nanguna si Tabamo sa girls’ 11-12 division tampok ang panalo sa 50m butterfly sa tyempong 29.83 segundo at lagpasan ang dating marka ng ngayon ay elite swimmer ng Swim Pinas na si Micaela Jasmine Mojdeh (29.91).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hataw din si Tabamo sa 100m butterfly sa bilis na isang minuto at 8.90 segundo para burahin ang 1:09.15 old na lumang area record. Nagwagi rin siya sa 50m backstroke (32.45), 50m freestyle (28.55), 100m freestyle (1:02.45) at 200m freestyle (2:19.17).

“The Philippine Swimming League is proud of her. She’s on top of her game every time she competes in international tournaments and we are so proud of her achievements,” pahayag ni PSL president Alexandre Papa.

Bunsod ng panalo, nakuha ni  Tabamo ang Most Outstanding Swimmer award sa girls’ 11-12 division.

“She’s one of the best young swimmers today and we are looking forward to her next international competitions. We will continue to guide her to achieve her goal,”ayon kay Papa.

Produkto rin ng PSL grassroots program ang junior national record holder at ngayo’y Philippine Team training pool member na si Mojdeh.