MAHIGIT isang libong atleta ang lumahok sa ginanap na test event ng triathlon event para sa 30th Southeast Asian Games sa New Clark City sa Tarlac.

Ang nasabing event ay inorganisa ng GoClark Sports and Events at ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA),na siyang mainit na tumanggap sa mga kalahok.

“We’re fortunate that a lot of athletes and spectators supported the event. Hopefully these sports facilities will eventually help promote wellness and healthy living for many Filipinos. Seeing the faces of the participants, they were so happy. It’s just the beginning of what’s more to come [here in New Clark City] in the next few years,” pahayag ni BCDA President and CEO Vince Dizon.

Ayon pa kay Dizon, ang nasabing karera ay paraan upang subukin ang sports facilities bago pa man ang pagsasagawa ng hosting ng 30th South East Asian (SEA) Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Nakipag-karera ang mga kalahok sa world-class na Athletics Stadium, sa Aquatics Center, at sa bagong bukas na daan buhat New Clark City patungong Subic-Clark- Tarlac Expressway na magdudugtong sa Central Luzon.

Karl Eldrew Yulo, nasungkit una niyang ginto sa Gymnastics senior level!

Bukod sa mga regular athletes, lumahok din ang ilang mga para-athletes mga differently abled athletes.

Samantala, hindi lamang mga test events ngayon ang ginaganap sa nasabing sports facilities ngunit dito din nag siismulang mag-ensayo ang mga national athletes gaya ng 2017 SEA Games men’s triathlon silver medalist na si John “Rambo” Chicano.

“Napakalaking tulong ng ganitong facility para sa aming mga atleta kasi ‘di na namin kailangan mag-overseas na training camp so ‘yun pa lang, makakatipid na kami kasi pamasahe pa lang ‘tsaka accommodation din malaki. Sa ganitong paraan, nakakatipid na. Nakaka-engganyo pa tayo ng kabataan [to turn to sports] dito sa Clark,” ani Chicano.

-Annie Abad