KABAYANIHAN ng mga bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigding ang naging tampok sa ika-75 paggunita sa Leyte Gulf Landing nitong Linggo, na nagbigay daan sa kalayaan ng Pilipinas mula sa tatlong taong pananakop ng mga Hapon.

Sa isang simpleng pagdiriwang sa MacArthur Landing Memorial Park sa bayan ng Pal, muling kinilala ng mga opisyal ang kabayanihan ng mga Pilipinong guerilla at Allied Forces.

Nanawagan si US Embassy Chargé D’ Affaires John Law ng isang pag-alala at pagsasalamat para sa 15,000 sundalo na nagbuwis ng kanilang buhay sa Battle of Leyte Gulf.

“Those who fought paid the dreadful price for us to regain freedom and restore peace. It’s the debt that we can only pay by remembering as we do today,” ani Law.

Pinasalamatan naman ni Australian Ambassador to the Philippines Stephen James Robinson ang Pilipinas sa pagkilala ng naging tungkulin ng Australia sa paglaya ng Leyte, sa partisipasyon ng 4,000 Australiyanong mga sundalo.

“Your commitment and valor serve as a timeless example to us all. The battle reminds us to be ready to work whenever and wherever duty calls,” pahayag ni Robinson.

Habang nagpaabot namang ng pagkikiramay si Yasushi Yamamoto, Chargé D’ Affaires ng Japan Embassy sa Pilipinas, para sa mga pamilya at kamag-anak ng mga namatay sa digmaan.

“Since the war ended, Japan has consistently valued peace. My country has been dedicated to promoting peace and prosperity in Asia. Japan is determined to continue to make greater contributions to that end,” paliwanag ni Yamamoto.

Mula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte, nagkaroon na ng pitong pagpupulong sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Habang ang nakalipas na apat na taon ang ikinikonsidera nilang “golden age of strategic partnership,” ayon sa mga opisyal ng Japan.

Inilarawan naman ni National Security Adviser Hormogenes Esperon ang pagdiriwang bilang tunay na mahalaga.

“Let us take this occasion to be grateful for the gallantry of troops. May their sacrifices inspire us to be decisive in confronting the challenges that we may face,” pahayag ni Esperon.

Samantala, hinikayat naman ni Leyte Governor Leopoldo Dominico Petilla ang kanyang nasasakupan na lagit-laging alalahanin ang kuwento ng Leyte Gulf Landing bilang bahagi ng kanilang tungkulin upang mapanatili ang kabayanihan ng mga bayani ng WWII.

“Our veterans both the departed and the living deserve to be recognized for their heroism in times of war so that we may all live,” pahayag ni Petilla.

Nasa mahigit 105 beterano at mga anak ng mga mandirigmang guerilla ang dumalo sa pagdiriwang.

Oktubre 20, 1944 nang bumalik si Gen. Douglas MacArthur, kasama sina President Sergio Osmeña at Gen. Carlos P. Romulo, ang unang pagkakataon mula ng umalis sila sa Corregidor noong 1942.

Humantong sa isang digmaan ang kanilang pagdaong sa many 100,000 baybayin na inabot ng tatlong araw ang labanan.

Ang digmaan na ito ang naging hudyat ng pagtupad ni Gen. Douglas MacArthur sa pahayag nitong, “I shall return,”matapos magtungo ng Australia upang humingi ng suporta sa Allied forces sa hakbang na mapalaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapon.

-PNA