HUMIHINGI ngayon ng privacy si Julia Barretto sa gusot na kinasasangkutan ng mommy Marjorie niya at nang dalawang tiyahing sina Claudine at Gretchen Barretto.

Julia

Sa panayam kay Julia ni Mario Dumaual ng TV Patrol kahapon ng tanghali sa ginanap na storycon para sa digital series na I Am U na mapapanood sa iWant na pagbibidahan nila ni Tony Labrusca at ididirek ni Perci M. Intalan for Dreamscape Digital and IdeaFirst Company, ay inamin ng aktres na wala siyang kinalaman sa gulong nangyayari ngayon sa pamilya.

Matatandaang nagkaroon ng bayolenteng kaganapan sina Gretchen, Claudine at Marjorie sa burol ng tatay nilang si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Chapel sa Taguig City, kamakailan dahil hindi gusto ng huli ang pagpunta ng una.

Relasyon at Hiwalayan

Iñigo, pabirong inilapit si Sam kay Catriona pero dinedma lang

Nangyari pa ang gulo sa harap ni Presidente Rodrigo Duterte ng pinakiusapan niyang magbati na sina Greta at Marj.

Going back to Julia, ang pakiusap niya, “I think it’s natural for everybody to be concerned but I think it’s also nice if everybody would give the family the privacy and respect to resolve their issues.

“Wala po kasi akong kinalaman diyan kaya hindi ko po masasagot ‘yung mga tanong tungkol sa kanila kasi nga po it’s not my battle hindi ko po siya laban. I’ll be praying for them.

“For now, my energy, my time I would like to spend it on blessings that I have been receiving. God has been so good. Protect your energy, protect your time and spend natin ‘yun sa mga bagay na mabuti, let’s be kind to each other.”

Kahit nabanggit ang pangalan ni Julia sa gusot dahil naringgan daw siyang nagsabing ‘bakit ka pa nagpunta rito’ ay hindi niya sinagot dahil diin niya, “hindi ko po laban, I can’t speak for them. I don’t have the right to speak any of them. Wala pong katotohanan na may nasaktan ako (tiyahin).”

Bumilib naman si Tony na leading man ni Julia sa “I Am U,” dahil nakita niya kung paano nasagot ng aktres ang mga hard question na ibinato sa kanya at nagkaroon siya ng ideya kung sakaling sa kanya ito mangyari.

“To anybody who’s watching now, this is the role model, that was the most professional way that you could said it you know, that’s was so inspiring,” saad ng aktor.

-REGGEE BONOAN