Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

10:30 n.u. -- NU vs UP

12:30 n.h. -- Adamson vs FEU

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

4:00 n.h. -- La Salle vs UST

Standings:      W   L

Ateneo           12   0

UP                   7   4

UST                 7   5

FEU                 6   6

La Salle           5   6

Adamson         4   7

UE                   3   9

NU                   2   9

ust

TATLONG slots. Apat na koponan. Labanang walang atrasan.

Unahan sa pedestal ang apat na koponan na naghahangad makahirit sa nalalabing tatlong slots sa Final Four sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 men’s basketball competition ngayon sa Aranetra Coliseum.

Kasalukuyang magkakasunod mula sa second hanggang fifth spots ng team standings,  unang sasalang ang second running University of the Philippines(7-4), laban sa sibak ng National University (2-9), habang mapapalaban ang No.4 Far Eastern University (6-6) sa Adamson (4-7) at ang No.5 De La Salle (5-6) kontra sa No.3 University of Santo Tomas (7-5).

Makakasagupa ng Maroons at Bulldogs ganap na 10:30 ng umaga, habang makakaharap ng Tamaraws ang sisinghap-singhap ding Falcons sa ikalawang laro ganap na 12:30 ng hapon na susundan mg tapatan ng Green Archers at Growling Tigers ganap na 4:00 ng hapon.

Dahil nasa final stretch na ng eliminations kung kaya inaasahang mas magiging maigting ang bakbakan ng mga nabanggit na koponan upang makasama ng nauna ng umusad at defending champion Ateneo de Manila Blue Eagles sa Final Four.

Magtatangka ang Maroons na makapagtala ng mas kumbinsidong panalo kontra Bulldogs na inungusan nila noong first round, 80-79 para tumatag sa kinaluluklukan nilang ikalawang puwesto.

Sa ikalawang laban, hangad din ng Tamaraws na duplikahin ang 83-71 nilang panalo kontra Falcons noong unang round upang tumatag sa No.4 spot.

Samantala, sa tampok na laban, patitibayin din ng Tigers ang kapit sa third spot at patuloy na buhayin ang tsansa sa second place sa pamamagitan ng tangkang  pagbawi sa 77-92 na paggapi sa kanila ng Green Archers sa una nilang pagtatagpo.

Sa kabilang dako, maghahangad naman ang Archers na makabangon mula sa natamong kabiguan sa kamay ng Tamaraws upang umangat mula sa kinalalagyang ikalimang posisyon. Marivic Awitan