KINUMPIRMA sa amin ni Atty. Jose Malvar Villegas, apo ng bayaning si Miguel Malvar at prodyuser ng Miguel Malvar: The Movie, na pumayag na ang kampo ni Alden Richards para sa natatanging role bilang ang bayaning Jose Rizal sa nasabing heroic film na kukunan on location sa mga lugar sa Batangas kung saan napatay si Miguel sa isang himagsikan laban sa mga Spanish soldiers na gustong sakupin ang ating bansa.

Matatandaang ginampanan din ni Alden ang karakter ni Bayaning Jose Rizal sa isa niyang dating pelikula.

Ibinahagi rin sa amin ng mga production staff na kasama sa pelikula si Bulacan Governor Daniel Fernando, na gaganap bilang si bayaning Emilio Jacinto.

Habang si E.R. Ejercito ay gaganap sa karakter ni Emilio Aguinaldo at ang Antonio Luna role nama’y natoka kay John Arcilla na una niyang ginampanan sa isang box-office film na Heneral Luna.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Isang sorpresa rin na pumayag si Manila Mayor Isko Moreno para gampanan ang role ni Gat. Andres Bonifacio.

Sa isang panayam kay Isko, aniya,” Kung anuman ‘yung tatanggapin ko dito (talent fee), ido-donate kong lahat sa Philippine General Hospital (PGH),” ayon kay Yorme Isko.

Samantala, nililligawan pa ng JMV Productions si Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto para gampanan ang role ni Tandang Sora subali’t wala pa raw itong tugon sa mga text at messages ng JMV staff.

Kasalukuyang in session ang Congress at nasa ibang bansa ang karamihan sa mga Kongresista for a needed break at malamang by 2nd week ng November(after session), magkakaroon sila ng update kung pumayag ang Star for All Seasons na makasama sa pelikulang pagbibidahan ni Sen. Manny Pacquiao.

-Ador V. Saluta