LOS BAÑOS, LAGUNA – Habang nag-uunahan ang La Salle at Ateneo, dumiskarte ang University of Santo Tomas para patatagin ang kampanya na makasingit sa championship ng UAAP Season 82 Swimming Championships nitong Linggo sa Trace Aquatic Center.

swim boy

Sa matikas na ratsada sa ikatlong araw ng kompetisyon, umarya ang Tiger Sharks sa kabuuang 220 puntos, 23 puntos ang layo sa runner-up Ateneo (243 points) at 36 puntos sa nangungunang DLSU (256 points).

Pinangunahan ni Christian Anor ang diskarte ng Tiger Sharks sa nalistang 59.50 segundo sa 100m Backstroke laban kina DLSU’s Christian Sy (1:00.99) at Ateneo’s Aki Cariño (1:01.29).

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Nakamit din ni Anor (1:57.04) ang silver medal sa 200m Freestyle sa likod ng nagwaging si Most Valuable Player favorite Sacho Ilustre ng La Salle (1:53.30). Pangatlo si  Ateneo’s Miguel Barlisan (1:58.75).

Patuloy naman ang hataw ni Ilustre sa nakamit na panalo sa 50m Butterfly sa bilis na 25.47 segundo para sa ikaanim na gintong medalya. Nakabuntot sina Jeremy Jizmundo (26.15),  Reynald Cullentas (26.24) at Miguel Alvaran (26.24) mula sa UST.

Humirit din si Jexter Chua ng La Salle sa breaststroke events sa naitalang gintong medalya sa 100m Breastroke sa oras na 1:06.39, kontra kina Ateneo’s Rian Tirol (1:07.11) at Jiron Rotoni (1:07.33).

Sa gitgitang labanan sa  400m Individual Medley, nagwagi si Ianiko Limfilipino (4:50.61) kontra Rotoni (4:53.72) at UST’s Abraham Arcilla (4:56.74).