NAKAMIT ng Saint Clare College of Caloocan ang Seniors Division title ng 19th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) matapos talunin ang Enderun Colleges, 70-64, nitong Sabado sa Philippine Lam-An Sports Complex sa Abad Santos , Manilas.

NAGDIWANG ang St. Clare College sa isa pang kampeonato sa NAASCU.

NAGDIWANG ang St. Clare College sa isa pang kampeonato sa NAASCU.

Wala pang 24 oras mula natapos ang Game Two sa Jesus Christ Saves Global Outreach kung saan tinabla ng Enderun ang serye, 80-48, nagharap muli ang dalawang paaralan at sinigurado ng Saints na hindi sila mabibigo ng dalawang magkasunod na beses.

Lamang ng buong laro ang Saint Clare salamat sa magandang simula na pinamunuan nina Jan Dominic Formento at Mohamed Pare at lamang sa first half, 39-23.  Sinikap humabol ang Titans sa likod ng mga tres nina Michael dela Cruz at Austin Veloso at naging isang puntos nalang ang pagitan papasok sa huling tatlong minuto sa bisa ng ika-limang tres ni dela Cruz, 62-63, subalit sinalba ni Pare ang Saints.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Pinasok ni Mark Joseph Nunez ang dalawang free throw para lumapit muli ang Enderun, 64-66, subalit sinagot ito agad ng buslo nina Pare galing sa pasa ni Joshua Fontanilla, 68-66, at isang minuto sa orasan.  Tinapon ng Titans ang bola at naagaw ito na Clarence Tiquia para mapasok ni Fontanilla ang huling puntos at itahi ang tagumpay na may 10 segundong nalalabi.

Naglaro ng 40 minuto ng walang pahinga si Pare at nagtala ng 18 puntos at 19 rebound at siya ang tinanghal na Most Valuable Player.  Kasama niya sa Mythical Five si Fontanilla at mga Titans na sina dela Cruz, Nunez at Pierre Marie Kouakou habang nakuha ni Coach Jinino Manansala ng Saints ang Coach of the Year.

Samantala, nagdiwang ang Enderun nitong Biyernes sa pag-korona ng kanilang Lady Titans bilang reyna ng Women’s Division sa ika-apat na sunod na taon.  Tinalo ng Lady Titans ang Our Lady of Fatima University Lady Phoenix, 72-62, sa JCSGO.

Gumawa ng 17 puntos at limang rebound si Caren Baylosis at siya rin ang napili bilang MVP.  Sinamahan siya sa Mythical Five ng kakamping si Mary Grace Calang, Ylyssa Eufemiano at Kristel Escotido ng OLFU at Crislyn Mier ng Technological University of Philippines habang inuwi din ng Enderun ang Rookie of the Year para kay Cinderella Lopez at Coach of the Year para kay Coach Haydee Ong.

Ang ikatlo at huling laro sa Juniors Division ay gaganapin sa Lunes balik sa Lam-An.  Tinakda ng Saint Clare ang ikatlong laro matapos itabla nila ang serye kontra sa Arandia College Rhinos, 100-58, nitong Biyernes.