BUMAGAY sa present status ni Jesse Mendiola sa entertainment industry ang biggest campaign ng SkinCell na tinawag na “Beauty in Progress” ng founder and lead dermatologist ng sosyal na aesthetic clinics na si Dr. Clarissa V. Cellona.

Ayon kay Dr. Issa na matatagpuan ang Advanced Aesthetic Clinics sa Manila, Makati, BGC, McKinley, Ayala Feliz at SM City Clark, si Jesse ang pinili nilang maging endorser dahil may “classic beauty that is both unforgettable and timeless”.

“Jessy is a breath of fresh air,” wika ni Dr. Issa. “The ideal standard of beauty, youth and exuberance.”

“As her doctor, I am very honored that she chose SkinCell in her journey to ageless beauty.”

Charlie Fleming, 'nagalit' kay Kuya matapos papasukin si Donny Pangilinan sa PBB

Namamasdan nitong mga nakaraang buwan na hindi na warrior ang stance ni Jessy.

Nalaman ko sa aming one-on-one interview na sumasailalim pala sa evolution ang muse ni Luis Manzano.

Ito ang kanyang sagot nang tanungin ko kung ano ang goal niya sa showbiz:

“Gusto ko, tumagal din. Gusto ko maging tipo ako ng artista na puwedeng ilagay kahit saan. Tanggap po naman kasi na hindi ikaw ang palaging leading lady, eh, hindi ikaw ang palaging kawawa.”

Pinapangarap niyang ma-assign sa character roles.

“Character roles naman talaga ang gusto ko, so happy ako na in-offer sa akin angSandugo. I mean, do’n na tayo sa totoo, ang character actors mas nagla-last. Sa character roles ka mas matututo sa craft mo, mas lalawak ang matututunan mo.

‘Pag iisa lang kasing role ang ginagawa mo medyo nakakasawa din, at doon ka lang din may natututunan.” Papunta na ba siya sa goal niyang ito?

“Sana! Puwede pa rin naman din ako sa lead roles, pero gusto ko rin kasing matuto sa culture ng Hollywood na walang bida o walang kontrabidang artista, kung ano lang ang istorya, di ba? Kung ano lang ang maiko-contribute mo as an actor at ng character mo doon sa istorya, ‘yon ang importante.”

Ano pa ang dapat pagandahin kay Jessy Mendiola, kasi walang duda na maganda naman na?

“Totoo ba? (Natawa) Siguro more on improvement na lang. Tulad sa akin, kasi ‘di naman palaging ganito ka-glowing ang skin ko, kasi kumpleto ang tulog ko kagabi.

Pero paano kung late na natapos ang taping ‘tapos kailangan mong gumising nang maaga kasi may work na naman? Kailangan mong inaalagaan ka talaga.

Siyempre may mga roles tayong ginagampanan na you have to look the lmpart, ‘di puwedeng kunwari kailangan sexy ka sa role pero ‘di mo magawa.” In life, sa ugali o sa character, may kailangan pa ba siyang i-improve?

“Nabago ko na last year, eh. Mas naging patient na ako, mas naging confident na ‘ko pagdating sa mga bagay-bagay. ‘Pag may nangyayari na ‘di kanais-nais, okay lang.”

Ano ang lessons o tips niya sa mga taong nag-aaksaya pa rin ng panahon sa haters at bashers?

“Dedma na lang! Kasi paulit-ulit naman ang sinasabi. Eh, kung alam mo naman ang totoo, dapat ‘di ka na nasasaktan.”

Makikita ang inside out beauty na ito ni Jesse sa video shoot na kinunan ng SkinCell kamakailan na Audrey Hepburn ang datingan niya.

-DINDO M. BALARES