SIMULA nang pasukin namin ang pagiging showbiz writer ay marami na kaming na-cover na concerts/ shows ng mga nagsisimula noon at sikat ng performers na ngayon at isa ang Iconic sa pinakamagandang kinober namin.

ICONIC (1)

Tama nga ang sina nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid sa nakaraang Iconic presscon na mag-e-enjoy ang lahat ng manonood ng first ever concert nila at hindi lang basta nag-enjoy ang lahat, talagang gumawa sila ng memory sa bawa’t taong nanood sa Araneta Coliseum nitong Biyernes at Sabado.

Ang gaganda kasi ng repertoire ng Iconic singers dahil ngayon lang ulit namin narinig ang mga sumikat nilang kanta noon na bihirang kantahin na ngayon.

Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?

Palibhasa ito ang mga awiting inabutan namin noong nagsisimula palang si Sharon at sumunod na si Regine, sabi nga ni Megastar, ‘sayang at hindi tayo nag-abot.”

Paglabas palang nina Megastar at Songbird ng entablado ng Araneta ay hiyawan na ang lahat at kapansin-pansin na talaga ang nagkikintaban, kumikinang at naggagandahang gowns nila kaya naman pinasalamatan nila ng husto ang designers na gumawa nito.

Ang opening song nina Sharon at Regine ay Pangarap na Bituin at You Are My Song na parehong hit song nang dalawa na ginawan ng kakaibang areglo ng musical directors na sina Raul Mitra at Louie Ocampo.

Ayon kay Regine kung bakit ganu’n ang opening nila ay dahil ang kasama niya sa concert ay ang taong iniidolo niya sa mahabang panahon at inspirasyon niya hanggang ngayon (sabay halik ni Sharon kay Regine), “and I’m so honored to be shared the same stage with you.” Sinagot din ito ng huli, “I’m also honored to be here with you, my Songbird.”

Ang sumunod na kinanta nila ay ang mga sumikat na kanta ni Shawie noong bata pa siya na unang na-memorya raw ni Regine noong bata pa siya at ini-record naman ito ng una kasama ang kanyang uncle Tito Sotto mula naman sa production ng Viva na pag-aari ni boss Vic del Rosario na pinasalamatan ni Mega.

Ang unang hit song ni Sharon ay ang Mr. DJ, sinundan ng High School Life at ang P.S. I Love You na soundtrack ng ikalawang pelikula nila ni Gabby Concepcion.

Naiwan sa entablado si Regine para sa solong production number na Dadalhin at Sinasamba Kita mula sa areglo ni Raul Mitra.

At nang pumasok si Sharon para sa kanyang solo prod number ay hiyawan to the max ang lahat ng nasa loob ng Araneta at kinanta niya ang mga awiting To Love Again, at sabay siaw ng, “I love you my Sharonians at love you, Reginians.”

Naiyak naman si Sharon habang kinakanta niya ang awiting Kailangan Ko’y Ikaw na sinulat ni Ogie Alcasid para sa asawang si Regine na naging titulo naman ng pelikula nila ni Robin Padilla produced ng Viva Films.

Kuwento ni Sharon, “Hindi ko rin po alam kung bakit. When I first heard this song, I wished it was mine.”

Ang ganda ng version ni Sharon ng Kailangan Ko’y Ikaw, damang-dama niya ang bawa’t lyrics.

Pagkatapos ay lumabas na si Regine at biniro si Sharon, “hindi mo na kinakaya? Mabigat ba ‘yung kanta? Alam mo nabibigatan ka sa alahas mo, gusto mo tulungan kita.”

At napag-usapan nila na halos ng pelikula pala ni Sharon ay napanood ni Regine sa sinehan at nagsimula pa nga raw sa tatay ni KC Concepcion. At sabay pakita ng ibang movie clips ng una.

Nauna ang Dapat Ka Bang Mahalin (1984) na nag-aaway sina Gabby at Sharon at sabay sabi ng aktres, “sandali i-post mo, ‘yan ang pahamak na pelikula anak kaya ka ipinangakan.” Tawanan ang lahat.

Hirit ni Songbird, “ay diyan pala!. Anyway, ang sabi ni ate, aalis ka ba diyan o ihahampas ko sa ‘yo itong Araneta?” Kinorek ni Sharon, “maleta lang, hindi Araneta, kailangang maging Darna tayo diyan para mabuhat natin itong Araneta.”

At iba pang pelikulang hit ni Sharon at nagpapasalamat siya kay Regine dahil nakahanap na siya ng katapat sa kadaldalan.

Halos lahat ng leading man ni Sharon ay naging leading man din pala ni Regine tulad nina Christopher de Leon, Richard Gomez, Robin Padilla at Aga Muhlach.

Ang sumunod nilang duet ay ang awitng Sana’y Maghintay ang Walang Hanggan, Maging Sino Ka Man sabay pakita ng ilang beses sa monitor si Robin na nakaupo sa harap kasama si Pops Fernandez. Nang si Sharon na ay nandoon siya sa tapat ng aktor at tila kinakausap sa pamamagitan ng lyrics ng nasabing awitin. Sinundan ng Pangako Sa ‘Yo, Kahit Maputi na ang Buhok.

Enter sa stage ang dalawang guest ng Iconic singers na sina Idol Philippines grand winner at The Voice finalist na si Jeremy Glinoga mula sa Team Sharon. Kinanta nila ang Come What May, Please be Careful with my Heart at Forever na isa sa theme song nina Pops at Martin Nievera.

Isa ang version ni Sharon sa awiting Buwan ni JK Labajo sa nagustuhan namin na mala classical ang dating pero hindi niya ito ibinirit.

Ang solo prod ni Songbird na Istorya mula sa Juans cover song ay umani rin siya ng masigabong palakpakan. Kinanta rin ang Kung Di Rin Lang Ikaw ni Regine

Sumunod ang production number nilang Araw Gabi, Tuwing Umuulan, Swing at Urong Sulong.

At ang naiyak si Regine nang kantahin niya ang Bituing Walang Ningning na pinakapaborito pala niyang kanta ng kanyang idolo, Sana’y Wala nang Wakas, Narito Ako at Ikaw na pareho nilang ini-record na si Ogie ulit ang sumulat.

At para naman sa dance medley nina Sharon at Regine ay kinanta nila with matching dance ang Breakout, Get Into the Groove, I Wanna Dance With Somebody, Gloria, Enough is Enough, at I’m So Excited.

Kulang ang dalawang oras para sa pinagsamang show nina Regine at Sharon kaya sana raw ay may mga kasunod pa ulit sa susunod na mga taon at huwag munang mag-retiro si Mega lalo na sa concert scene.

Samantala, magkakaroon naman ng Iconic concert tour sa Amerika at Europe ang ang dalawa sa 2020.

-REGGEE BONOAN