ANG dating sexy actor nu’ng taong 1995 onwards na si Franco Miguel ang siyang makakalaban ni Senator Manny Pacquiao sa gagawin nilang pelikulang The General Malvar, true to life story.

Kung noon ay pawang sexy movies ang kanyang ginagawa ngayon dito sa The General Malvar movie ay gaganap siya sa role na isang foreigner, isang Kapitan na malupet at sadista.

Si Direk Kaka Balagtas ang siyang kumuha sa kanya para gampanan ang nasabing role sa naturang pelikula na pagbibidahan nga ni Senator Manny Pacquiao at silang dalawa ang maglalaban sa bandang huli.

“Marami pang malalaking bituin ang makakasama namin dito sa General Malvar Movie at umuo na sila tulad nina Robin Padilla, Philip Salvador, Alden Richards, Isko Moreno, Jojo Abellana, at marami pang iba. Talagang ginastusan itong movie na ito ng sobra, ng JPM Productions ni Atty. Malvar Villegas, apo mismo ni General Malvar kaya nga ang location namin ay sa Sto. Tomas, Batangas kung saan siya ipinanganak and where he grew up.” Lahad niya kay yours truly.

'I was young, wild, and free!' Ellen Adarna inaming ‘hubadera’ siya noong 2016

Sino sa palagay niya ang magiging leading lady dito ni Senator Manny Pacquiao? At ang kanyang naging kasagutan ay….

“Maraming pinagpipilian, eh. Pero ang narinig ko pa lang ay si Judy Ann Santos pero lately ang naririnig ko dalawa na pero ayaw pa nilang i-reveal, eh. Big star, eh. Pero sinabihan ako, huwag ko daw munang i-reveal.

“And correction please, hindi si Senador Manny Pacquiao ang namimili ng leading lady niya dito, ha, kasi may lumalabas na isyu na siya ang namimili…that’s a big no, no. It’s all up to the producer. Siya ang may last say kung sino ang magiging leading lady ni Senador Pacquiao.”

Mr. Franco Miguel, sino ba talaga si General Malvar sa iyong pagkakaalam?

“Isa siyang …sabihin na nating isa siyang bayani na hindi natin halos nakilala si Malvar. Pero kung lalaliman natin ang pagkilala sa kanya, ang dami niyang nagawa para sa bayan natin. Imagine, pumatay siya ng four hundred na Amerikano para ipagtanggol itong bayan natin. So yon ang talagang makikita natin sa pelikulang gagawin ni Senador Manny Pacquiao as Gen.Malvar.

“Hindi niya kinuha ang yung tatlong Hollywood movie na ini-o-offer sa kanya. Dapat meron siyang Hollywood movie na gagawin, eh. Pero hindi niya kinuha because of this movie. Kasi pusong Pinoy siya, maka-masa siya at gusto daw niyang buhayin kung sino man itong bayani na sinasabing General Malvar ng Batangas.” Ang dere-deretso niyang pag-i-info kay yours truly.

In pernes, nu’ng kabataan nitong si Mr. Franco Miguel ay sobrang lakas ng kanyang sex appeal kung kaya siya siguro na-typecast sa mga sexy roles noon tulad sa mga pelikulang nagawa niya like Julieta Laruan Ka Ng Iyong Pangarap with Patrick dela Rosa, Katrina Paula and Sabrina M. tas Pik Up Girls, Pulang Rosas ( his launching movie with Allona Amor), Inosente, Dito Ba, at iba pa.

But sabi nga, time change and so do people. Ngayon ay isa na siyang ganap na negosyante at owner nang isang big construction company. Ngayon nga ay nag-aartista siyang muli pero hindi na bilang sexy actor kundi kontrabida na. And as the saying goes, once an actor will always be an actor.

So welcome back sa mundo ng pelikulang Pilipino Mr. Franco Miguel at hindi na kami magtataka kung pagkatapos maipalabas sa year 2020 ang pelikula nyong General Malvar story ay ikaw naman ang magtatayo nang iyong sariling movie productions para maging boom na boom uli ang ating dying movie industry. Yes, why not, coz sa tingin namin ay kering keri mo naman sa status mo ngayon sa buhay sa true lang. Yun, oh!

-MERCY LEJARDE