Trending ang eksenang sinusumbatan ni Sylvia San­chez ang asawang si Joey Mar­quez na hindi sumisigaw sa teleseryeng Pamilya Ko, na umere nitong Biyernes.

Joey at Sylvia

Ang pilot week lang kasi ang napanood namin sa screening ng Pamilya Ko na ginanap sa Trinoma noon at hindi na namin nasubaybayan ulit.

At natiyempuhan namin ni­tong Biyernes ang Pamilya Ko kaya tinutukan namin at kaya naman pala consistent na laging panalo sa ratings game ang serye ay dahil hindi mo ito bibitawan para maglipat ng ibang channel.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Going back sa sumbatan scene ay napamura ang talent manager, actor at social media influencer na si Ogie Diaz sa husay ni Sylvia.

Post ni Ogie sa kanyang Fa­cebook account, “Gusto kong murahin si Sylvia Sanchez! King ina, ang husay umarte (clap-clap emoji). ‘Yan ang totoong AKTRES. #PamilyaKo.”

Mula naman sa netizen na nan­gangalang Kim Belen, “Sobrang sakit sa part mo pag Nanay mo na yung nasasaktan at nakikita mong umiiyak ang bigat ng ek­sena tonight @RSBscripted #Pami­lyaKoKatotohanan.”

Galing din kay @misstipsy88, “Grabe iyak ko sa’yo Nanay Luz @ sylviasanchez_a ang sakit. Ang intense din ng magaganap bukas susugurin ni Peachy si Loida at ipapahiya aabangan ko talaga bu­kas!! #PamilyaKo #PamilyaKoKa­totohanan.”

Si Jenine Pitallo, “NAPAK­AHUSAY mo talaga Nanay @ sylviasanchez_a tagos sa puso ko ang sakit na nararamdaman mo. GALING-GALING-GALING mo...#PamilyaKoKatotohanan #Sy lviaSanchez#RSBScriptedFormat# RGEDramaUnit.”

Tinext namin si Ibyang habang sinusulat namin ang balitang ito kung nakailang takes sila ni Tsong Joey.

“Naka dalawang takes kasi palit anggulo. Gabi kinunan ‘yan kaya after ng scene, bagsak ako, ang haba ng eksena na yan at may sakit ako, trangkaso kaya paos ako.

“Lahat ng eksena ko na may rain scene breakdown hanggang kahapon (Biyernes) pagbalik ko ng bahay umiiyak ako no’ng revela­tion ni Joey.”

Hirit namin kay Ibyang, ‘parti­da maysakit ka pa niyan, huh.’

Klinaro rin niya na hindi naka-wig si Joey tulad ng hula ng iba dahil binanggit namin na buti hindi natanggap habang hinahampas niya ng unan.

“Hindi naka-wig si Joey,” sam­bit ng aktres.

Panay naman ang pasalamat ni Ibyang sa lahat ng bumati sa kanya nitong Biyernes ng gabi.

Ito pala ‘yung sinabi ng direk­tor na habang kinukunan niya ang eksena ay minumura niya ang aktres at panay ang bato ng tissue paper sa monitor dahil sa galing nito.

-REGGEE BONOAN