LOS BANOS, LAGUNA – Nakompleto ng University of Santo Tomas ang makasaysayang double victory sa UAAP Season 82 High School Swimming Championships nitong Linggo sa Trace Aquatic Center.

TOP ROOKIE? Kabilang si John Neil Paderes ng University of Santo Tomas Tigershark at miyembro ng elite team ng Swim Pinas, sa pangangasiwa ni coach Virgi De Luna, sa rookie swimmers na nagpamalas nang kahusayan sa UAAP Season 82 high school swimming competition sa Trace College Aquatic Center sa Laguna. Nakamit ng 16-anyos ang dalawang gintong medalya (100-m back, 4x50 medley, 4x100 medley), tatlong silver (200m back, 400mIM, 200mIM) at isang bronze (50m back) para mapabilang sa pinagpipilian bilang ‘Rookie of the Year.

Tinuldukan ng Junior Tigersharks ang apat na araw na kompetisyon sa impresibong kampanya sa final day tungo sa pagsungkit ng ikatlong titulo sa nakalipas na apat na season tangan ang kabuuang 461.59 puntos, habang ang Junior Lady Tigersharks ay humarbat ng 419 puntos para makabawi sa nakalipas na taong kabiguan.

"Overjoyed ang mga bata. Hindi namin ma-contain yung emotions," pahayag ni UST coach Agot Alcantara.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Tinapos ni Charles Arceo ang ratsada ng UST sa panalo sa 200-meter breaststroke sa tyempong 2:27.62, bago nakisama kina John Niel Paderes, Jules Merandilla, at Merrell Neri para sa record-breaking time na 4:03.78 sa 400-meter medley relay.

Bumuntot ang La Salle Zobel na may 370.50 puntos matapos ang tagumpay ni Franco Dela Rosa sa 50-meter backstroke (27.85) at 50-meter freestyle (24.44).

Tinanghal namang Most Valuable Player si Wacky Santos ng Ateneo sa nakolektang pitong gintong medalya, tampok ang 200-mter butterfly sa oras na 2:09.98. Tangan ang 197 puntosm tumapos na pangatlo ang Blue Eagles.

Nanguna naman si Camille Buico, nagtala ng bagong UAAP record na 2:24.04 isa 200-meter butterfly matapos burahin ang tatlong taong marka ni Suzanne Himor ng Ateneo (2:25.30) bukod sa panalo sa 50-meter freestyle (27.74.

Bumuntot sa Ateneo ang UP Junior Lady Maroons sa naiskor na 297 puntos tampok ang panalo ni Franz Joves sa 50-meter backstroke sa tyempong (31.95).

Pangatlo ang last year's champion De La Salle-Zobel, tampok ang bagong UAAP mark sa 400-meter medley relay na binubuo nina Raven Alcoseba, Ayena Calvario, Kayleen Keh, at Gene Quiambao (4:40.42). Tangan ng  Junior Lady Tankers ang kabuuang 277 puntos.

"Hindi porket ikaw yung nag-champion, mag-rerelax ka na. Next week pa lang, dapat paghandaan na yung susunod," ayon kay Alcantara.