SUPORTADO ng magkapatid na Dianne at Katrina Medina ang advocacy na I Pink I Can Breast Cancer Awareness event na ginanap sa Gateway Mall nitong Linggo, Oktubre 13 at ang si Miss Universe Philippines 2011, si Shamcey Supsup – Lee ang host.

DIANNE

Namatay ang mommy nina Dianne at Katrina dahil sa breast cancer at huli na nang malaman nila dahil nasa stage 4 na.

“Na-detect siya late stage na kasi ang alam niya may heart condition siya kasi iyon ang sumasakit,” saad ni Dianne.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi man lang nabanggit ng duktor na nagtse-check up na may breast cancer siya, “hindi. Kaya talaga it’s important na tayo na ang gumawa ng paraan na magpa-self check up tayo,”pahayag ng dalaga.

At dahil posibleng magkaroon din sila ng cancer ay lagi silang nagpapa-check up na magkapatid lalo na si Dianne na malapit ng ikasal at gusto niyang magkaanak kaagad sila ng fiancé niyang si Rodjun Cruz.

“Pag mga 30 plus puwedeng yearly magpa-check up, pag nasa 40’s above na, every 6 months kasi mas maganda ‘yung maaga mong malalaman kaysa huli na like my mom,” katwiran ng fiancée ni Rodjun.

Sa ginanap na I Pink I Can event ay nagbigay ng testimonya si Dianne at ikinuwento sa mga bisita nilang cancer survivor at kasalukuyang ginagamot sa PGH kung ano ang nangyari sa mommy nila at kung anong hirap ang dinanas nito noong nagkaroon siya at kung paano nilang magkakapatid tinanggap ito.

Samantala, dalawang buwan na lang at kasal na nina Dianne at Rodjun sa Disyembre 21, Sabado kaya binibiro namin ang dalaga kung hanggang kailan siya tatanggap ng trabaho na dapat ay naghahanda na siya o nagpapahinga para maganda siya sa araw ng kasal niya.

“Tumanggap pa ako hanggang December 18, ha, ha, ha,” tumawang sabi ng dalaga.

Dagdag pa, “okay lang po ‘yun, masaya naman akong nagta-trabaho, hindi ko po kasi alam basta’t about hosting, it’s really my passion, masaya ako kaya tinatanggap ko talaga.”

Tinanong namin kung hindi ba siya pinigilan ni Rodjun na huwag na munang tumanggap para makapagpahinga naman.

“Pinigilan niya ako kasi supposedly may work ako ng December 20, which is the night before our wedding, so I cancelled it off kasi nagalit na sa akin si Rodjun kasi dapat nga raw nagre-relax na ako,” sambit ng TV host/actress.

Ikakasal ang dalawa sa Manila Cathedral dahil doon din ikinasal ang magulang ni Dianne at sa Sofitel Manila naman ang reception para sa 500 guests nila.

Inamin ng dalaga na inimbita nilang lahat ni Rodjun ang mga taong naging bahagi ng buhay nila kaya umabot sa limang daan ang bisita.

Walang particular order ay binanggit ni Dianne ang ninongs at ninangs na aabutin sa 20 pares.

“Sina Senator Bong Go, Governor Bojie Dy ng Isabela, Congressman Albie Benitez ng Negros Occidental, Senator Grace Poe, Governor Esmael Mangudadatu (Maguindanao). Kaya po mostly politics kasi I work for PTV 4 (government TV network).

“Sa showbiz industry naman po sina kuya Willie Revillame, tito Joel Cruz (Lord of Scents), tita Reggie Magno, tita Annette Gozon, Miss Roselle Monteverde. Hindi ko pa po puwedeng sabihin ‘yung iba kasi pupuntahan palang,m si Rodjun kasi busy nagte-taping ngayon.

At ang mga abay naman ay aabutin din sa 20 pares tulad nina, “pinsan kop o si Maxene Medina, Yasmin Kurdi, Alex Gonzaga, Janine Gutierrez, Andrea Torres, Max Collins mga kaibigan kop o sa showbiz. Si Rodjun naman po ang namili sa groomsmen t u l a d n i n a A l d e n R i c h a r d s , Marc Abaya, Christopher Martin, Marco Alcaraz, Jeff Cucullo ng Rocksteddy, Matteo Guidicelli, Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, bestman si Rayver (Cruz).”

Hindi na binanggit ni Dianne ‘yung mga non-showbiz na kasama rin sa sponsors at abay.

Ayon pa sa future wife ni Rodjun ay hati sila sa gastos, “mahal po talaga but you know, once in a lifetime naman po kasi sa event sa buhay mo and you want to celebrate it with your families and friends. At kaya po December kasi we want it to really festive, malapit sa Kapaskuhan, malapit sa kaarawan ng Panginoong Jesus kasi po we center our relationship, the foundation kay God po alaga.”

Biro namin na hindi uso sa kanila ang salitang practical, “gusto lang po naming i-share ang blessings namin simula nu’ng nag-artista po kami, and I’m sure God will send us angels along the way to help us sa journey namin ni Rodjun,” katwiran ng dalaga.

Ang kilalang designer na si Mak Tumang ang gagawa ng wedding gown ni Dianne at ang suit naman ni Rodjun naman ay si Randy Ortiz.

“Randy Ortiz po is the barkada of my dad sa school po. Sa bridesmaid, si Paolo Blanco naman po ang gagawa, sponsor po ‘yun ni Paolo. Sa groomsmen po kanya-kanya na sila kasi coat and tie naman, madali lang. We’re excited po, tita kaya sana successful, tapos very symbolic sa akin ang Manila Cathedral kasi doon ikinasal ang mom and dad ko,”kuwento pa.

Pagkalipas ng 12 years na magkarelasyon ay heto at heto level up na ang pagsasama nina Dianne at Rodjun.

-REGGEE BONOAN