SA ginanap na I Pink I Can Breast Cancer awareness ay nakausap namin ang kapatid na babae ni Dianne Medina na si Katrina na isang nurse pero nagtayo siya ng Medina House of Aesthetics sa RL Building Mindanao Avenue, Quezon City at at kumuha siya ng short course ng oncology.

DIANNE AND KATRINA

“I got a short course from South Korea that certified me as oncology esthetician. Organization siya internationally, it’s more on cancer patients sa pampaganda, facial, ‘yung mga bandana. ‘Yun po ‘yung what I’m specializing at, mga pampa-beauty for cancer patients,” kuwento ni Katrina.

Naisip daw itong itayo ni Katrina dahil karamihan daw sa cancer patients ay ayaw ng lumabas ng bahay dahil nga naalangan sa itsura nila. At para rin magkaroon ng self-confidence ang mga maysakit ng kanser.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mahal ba ng services ni Katrina, “hindi naman po, actually may on-going promo because October is a breast cancer awareness month, so I’m inviting all the breast cancer survivors to get their free facial sa clinic namin para sa first 20 clients po will get a premium relaxing facial and the rest po, I’m giving 70 percent off.”

May celebrity patients na baa ng Medina House of Aesthetics, “so far wala pa po, ang mga clients namin po ay ‘yung mga nasa foundation like the Kasuso.”

Kaya sa mga cancer patients na gustong maging maganda pa rin at maayos ang skin ay alam ninyo na kung saan kayo pupunta.

-REGGEE BONOAN