PATULOY ang kampanya ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) sa paglaban sa ilegal na pagmamay-ari ng baril sa pagsasagawa ng Part II ng 27th AFAD-Defense & Sporting Arms Show sa Nobyembre 14-18 sa Megatrade Hall ng SM Megamall sa Mandaluyong City.
Target ng AFAD, sa pamumuno ni Alaric Topacio, na mas mabigyan ng pagkakataon ang sambayanan, higit yaong mga gun-owner enthusiasts na mas mapaunawa ang ginagawang programa ng asosasyon para mapawi ang mga negatibong kamalayan sa isyu ng baril at higit na palakasin ang industriya na malaki ang naiaambag sa ekonomiya ng bansa.
Kabuuang 61-member ang makikiisa sa programa kung saan makikita ang pinakabagong mga kagamitan, kaalinsabay ang pagbibigay ng seminars para sa self-defense, responsible gun ownership, firearms safety handling, regulation policy on gun-ownership at iba pang aktibidad.
“The PNP together with AFAD is providing an LTOPF caravan to help gun-owners process their gun license application and renewal, so our visitors have the luxury of faster processing for their gun licensing needs while viewing the best products available,” pahayag ni Topacio.
Kabilang sa inanyayahan sa opening programa sina Senators Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Miguel ‘Migz’ Zubiri, gayundin ang mga opisyal ng Philippine National Police at iba pang kinatawan ng law enforcement agencies sa bansa.
Iginiit ni Topacio na hindi lamang ang isyu ng seguridad ang binibigyan ng pansin ng AFAD, bagkus maging ang pagiging responsableng may-ari at pagpapataas ng kalidad ng mga atleta, higit yaong mga sasalang sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.
“Kami sa AFAD ay talagang supporters ng National team. Several member ng Philippine Shooting team ay kumukuha ng kanilang equipment sa aming mga miyembro. Sometime we provide ammunition sa kanilang ensayo and sponsorship sa tournament,” sambit ni Topacio.
“Through the years, AFAD is working hard to fight the negative public perception as the result of the proliferation of ‘loose firearms’. Through this program, we can use this as a platform to educate people, learn the ins and out of the trade and become a more responsible gun owner,” aniya.
“Also, we’re here to put a semblance of order among stakeholders as AFAD membership has grown with 61 associates, ready and always on track in boosting the country’s economic growth.”
“AFAD members are tax-paying companies and employs thousands of regular employees and workers. We are never remiss on our duties and responsibilities as far as tax payments and import duties are concerned.”
“The firearms industry is not just for recreational, sporting activities and security detail. AFAD is not just for supplying the best firearms, ammunition and accessories available in the market, instead we’re here to help the government in their fight against the illicit trade of firearms and the promotion of responsible gun ownership,” aniya.