TILA pormalidad na lamang ang hihinitay ng San Beda College para sa koronasyon ng matagumpay na four-peat sa NCAA men’s basketball championship.
Muling inulit ng Red Lions ang dominasyon sa mahigpit na karibal at last season finals nemesis Lyceum of the Philippines, 85-62, nitong Huwebes para makompleto ang elimination sweep sa NCAA Season 95 sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Walang hirap at halos hindi pinagpawisan ang Red Lions para patupiin ang Pirates tungo sa makasaysayang 18-game elimination sweep at makamait ang outright Finals slo sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Mula sa dikit na 28-23 bentahe, umarya ang San Beda sa 18-3 blast para palobuhin ang bentahe sa 46-26 may tatlong minuto ang nalalabi sa secong quarter.
Ito ang kauna-unahang elimination sweep sa NCAA men’s basketball mula nang magawa ng Lyceum ang kasaysayan noong 2017. Ngunit, sawing palad ang Pirates na nabigo ng Red Lions sa best-of-three finals.
Nanguna si Cameroonian big man Donald Tankoua sa San Beda sa naiskor na 26 puntos, walong rebounds, at dalawang blocks para sandigan ang Red Lions sa 32 winning streak.
“It’s a little bit of fulfillment on my part,” pahayag ni coach Boyet Fernandez. “The goal is to just enjoy this tonight and look forward to the finals. Our job is not yet done.”
Nag-amag si MVP contender Calvin Oftana ng 18 puntos, 10 boards, dalawang assists, at dalawang rejections, habang kumabig si James Canlas ng 17 puntos.
Marivic Awitan
Iskor:
SAN BEDA (85) -- Tankoua 26, Oftana 18, Canlas 17, Doliguez 5, Soberano 5, Abuda 5, Nelle 4, Carino 4, Bahio 1, Alfaro 0.
LYCEUM (62) -- Jc. Marcelino 17, Santos 12, Guinto 6, Navarro 6, Valdez 6, Remulla 5, Caduyac 4, Ibanez 4, Jv. Marcelino 2, David 0, Tansingco 0, Yong 0.
Quarterscores: 20-17, 48-36, 66-49, 85-62.