MALUNGKOT ang mga fans nina Superstar Nora Aunor at Diamond Star Maricel Soriano dahil hindi nakapasok ang mga movies nila sa walong (8) official entries sa coming 45th Metro Manila Film Festival sa December.
Entry ni Nora ang movie nilang Isa Pang Bahaghari na katambal niya sina Phillip Salvador at Michael de Mesa for Heaven’s Best Entertainment at dinirek ni Joel Lamangan. Family drama ang tema ng movie.
Isa namang horror film ang The Heiress ni Maricel Soriano kasama si Janella Salvador, Sunshine Cruz, McCoy de Leon at Jane de Leon at produced ng Regal Films.
Kung gugustuhin naman ng mga movie producers na hindi nakapasa sa panlasa ng selection committee, ay puwede nilang ipalabas nang mas maaga sa festival ang kanilang mga pelikula. Ginawa ito minsan nina Bossing Vic Sotto nang hindi napili ang entry nila noon sa MMFF. In fairness ay kumita naman ang movie dahil hinihintay naman ng mga bata ang taung-taong pelikula na isinasali ng M-Zet Productions.
Kaya tiyak na matutuwa ang mga fans ni Maricel dahil nagdesisyon na si Roselle Monteverde na ipalabas nang mas maaga ang “The Heiress.” Nakakuha na sila ng playdate na November 27 at magtatapos ang showing nila hanggang December 24.
Sana ay gawin din ito ng Heaven’s Best Entertainment dahil based sa full trailer ng movie, magaganda ang mga eksenang ipinakita nila.
-NORA V. CALDERON