LOS BANOS, LAGUNA – Nagparamdam ng kahandaan ang La Salle at reigning women back-to-back champion Ateneo na mapanatili ang dominasyon sa impresibongratsada sa pagsisimula ng aksiyon sa UAAP Season 82 Men’s Swimming Championships nitong Huwebes sa Trace Aquatic Center.
Pinangunahan ni Southeast Asian Games-team member Sacho Ilustre ang hataw ng La Salle tankers sa napagwagihang gintong medalya sa 100-meter at 800-meter freestyle sapata para sandigan ang koponan sa 77 puntos.
Ginapi ni Ilustre sina Miguel Barlisan ng Ateneo at Christian Anor ng University of Santo Tomas sa 100 meters sa tyempong 52.07 segundo, gabuhok na 0.01 segundo ang layo kay Barlisan. Naorasan si Anor ng 53.40 segundo.
Sa 800-meter, nauna ang second-year Green Tanker sa oras na 8:53.09 laban kina Ateneo’s Laniko Limfilipino (9:01.51) at University of the Philippines’ Keane Ting (9:02.97).
Nanaig din sina Green Tankers Gummy Torres, Jexter Chua, McTracy Alindogan, at Alfonso Bautista sa kani-kanilang event.
Sa women’s division, pinangunahan ni last year’s Most Valuable Player Chloe Daos ang reigning three-time champion Ateneo sa napagwagihan na 100-meter at 800-meter event.
Nakuha rin ng Ateneo ang dalawang relay title para sa kabuuang 101 puntos sa unang araw ng kompetisyon.
Nanai si Daos kontra rookies Erin Castrillo ng University of the Philippines (1:00.35) at Nicole Pamintuan ng La Salle (1:00.35) sa 100-meter title sa tyempong 59.54.