NAKATAKDANG matupad ang matagal nang pangarap na world title ni Rene “The Challenger” Catalan. Ngunit, ang laban sa Nobyembre 8 ay punong-puno nang pagkabalisa dahil ang kababayan niyang si Joshua ‘The Passion’ Pacio ang may tangan ng ONE Strawweight World Championship.

Pinoy laban sa Pinoy ang tema ng ONE: Masters of Fate kung saan tampok na laban sa fight card ang pagdepensa ni pacio sa koornan laban kay Catalan.

“I’m one hundred percent focused on getting this belt,” pahayag ni Catalan.

“It’s every fighter’s dream to become a World Champion. I’m hungry and determined to win the title,” aniya.

Adamson University, kinilala 'hakot award victory' ni Karl Eldrew Yulo

Nabitiwan, ngunit nabawi ni Pacio ang korona ngayong taon kung kaya’t wala siyang panahon na basta isuko ang laban.