BAGONG sports, bagong pag-asa sa atletang Pilipino.

Kumpiyansa si Maynard Marinas, Philippine promoter ng Wu Lin Feng Global Fighting Championship – China-based professional kickboxing federation – na kayang makipagsabayan ng Pinoy fighters sa pinakabagong contact sports na ilulunsad sa bansa sa Oktubre 23 at maging world champion sa hinaharap.
“We Filipinos are true fighters, wala tayong sinusukuan. Kahit anong sports yan. Jahit sino ang makalaban, laban tayo para sa pamilya at sa bayan,” pahayag ni Marinas.
“Ako rin bago sa sports na ito, pero pinagkatiwalaan ako ng international federation na isaayos ito sa atin kaya, gagawin ko lahat para matutunan ang mga dapat gawin para sa maayos na organisasyon,” pahayag ni Marinas sa kanyang pagbisita kahapon sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).
Kasama niyang dumalo sa lingguhang programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at Community Basketball Association (CBA) ang kanyang Chinese counterpart na si Soong at mga local fighters na sina Mark Alcoba at Dindo Comansa na kapwa sasabak kontra sa Chinese fighters.
“Nagpapasalamat po kami at nabigyan kami ng pagkakataon na maipakita an gaming husay at galing. Matagal na po kaming nagsasanay at lumalaban sa MMA, Muay, at kickboxing. Mas maganda itong Wu Lin kickboxing kasi walang kamay at tuhod na gagamitin, talagang sipa lang ang labanan,” sambit ni Comansa
“Gagawin namin ang aming makakaya para manalo at maitaas ang level ng kompetisyon sa kickboxing,” ayon naman kay Alcoba.
Ayon kay Soong, kabilang ang Pilipinas sa napili nilang gawing institusyon ang kickboxing dahil sa angking galing ng mga Pilipino sa combat sports. Sa kasalukuyan, ang kickboxing ang isa sa pinakasikat na sports sa China at kasalukuyang may 35 bansang kasapi.
“Wu Ling Feng is not just in China, it’s global with 35 active member nations. The Philippine is our focus right because you’re fighters are really world-class in combat sports,” sambit ni Soong.
Ayon kay Marinas ang inisyal na fight promotion ng Wu Lin ay sanctioned ng Games ang Amusemennt Board (GAB) at gaganapin sa The Cove ng pamosong Okada sa Paranaque City.
“We’re inviting the public to watch the fight and rally behind our homegrown fighters,” ayon kay Marinas.
-EDWIN ROLLON