IBINALIK lamang ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte ang perang iniaambag ng taong-bayan sa pamahalaan.

Ito ang giit ni Senator Bong Go kaugnay sa ipinatatayong New Clark City sa Capas, Tarlac na kanyang binisita kamakalawa ng hapon.

Sinabi ni Go na nasa iisang lugar na lang ang world class facilities ng bansa sa sports na gagamitin sa hosting ng SEA Games sa November 30 hanggang Disyembre 15.

Kaugnay nito, sinabi ni Go na handa na ang bansa sa pagho-host kung saan mismong si Pangulong Duterte ang mangunguna sa opening ceremony.

Bilang Chairman ng Senate Committee on sports ay hinikayat ni Go ang publiko at maging ang pribadong sektor na suportahan ang mga atletang Pinoy para maengganyo ang mga ito at makuha ang inaasam na gintong medalya sa Olympics

'It was my biggest result!' Alex Eala, inalala pag-ariba mula Marso 2025!

Maliban sa New Clark City ay tinututukan din ng pamahalaan ang iba pang lugar sa bansa na pagdarausan ng mga palaro sa SEA games.

-Beth Camia