UNTI-UNTI, nabubura sa kaisipan ng sambayanan ang masalimuot na imahe ng Basilan. At isa ang sports sa nagamit na sandata ng local na pamahalaan.

IBINIDA nina (mula sa kaliwa) Jackson Chua, Steve Tiu, Jimmy Manansala at Jerson Cabiltes ang persona ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare team na siyang nagdala sa kanila sa tagumpay.

IBINIDA nina (mula sa kaliwa) Jackson Chua, Steve Tiu, Jimmy Manansala at Jerson Cabiltes ang persona ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare team na siyang nagdala sa kanila sa tagumpay.

Sa maigting na pagtutulungan at pagkakaisa nina dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor at Basilan Cong. Mujiv Hataman, Mayor Julz Hataman at Councilor Hegem Furigay, at pamumuan ng St. Clare College, nakabuo ang BRT Sumisip-BasilanSt. Clare nang malakas na koponan na siyang nagdadala ngayon ng positibong imahe para sa lalawigan.

Matapos tanghaling kampeon sa Chooks-to-Go 3x3, nakopo ng Basilan ang PBA D-League championship.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“This is really what we hope to achieve when the team started participating in sports, especially basketball,” pahayag ni Basilan team manager Jackson Chua sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

“The whole province of Basilan is very happy with our success, including our tite triumph in the PBA D-League. As a team, we will continue to do our share to create a good image for Basilan,” ayon kay Chua, sinamahan nina coach Steve Tiu, Jerson Cabiltes at Jimmy Manansala sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Iginiit ni Tiu na ang katatagan at paniwala sa kakayahan ng isat-isa ang nagpaangat sa Basilan-St. Clare College para makabawi sa beteranong Marinerong Pilipino sa Game 2 at tuluyang isara ang best-of-three series sa 2-1.

“It’s a winning combination -- Basilan and St. Clare. We’re a young team. We have the energy, the speed, the quickness against them. Talagang gustong manalo ng mga bata. I think yun ang strength namin in the series,” sambit ni Tiu.

Ibinida naman ni Cabiltes ang matibay na depensang ibinnakod ng Saints laban sa Marinero.

“Based on our plan, we started pressuring them from the backcourt kaya yun defense namin tumigas. We did not let them score individually,” pahayag ni Cabiltes, nakilala bilang winning coach ng Hope Christian sa Filipino-Chinese Amateur Athletic Federation (FCAAF) 19-under title laban sa liyamadong Chiang Kai Shek.

“Yun time management namin mahirap talaga dahil nag-aaral pa yun mga ibang players at nagkslaro sa NAASCU where we are also in the finals,’” sambit naman ni Manansala, dating PBA Rookie of the Year.

-Edwin Rollon