KUNMING, CHINA – Umusad ang RP Junior team sa semifinal round para mapunan ang kabiguan ng senior squad sa Mixed Team event ng 2019 Colorful Yunnan Belt And Road Initiative Kunming International Tennis Tournament nitong Miyerkoles sa Gloria Hotspring Resort Tennis Center dito.
Nanaig ang lakas nina Exequiel Jucutan, Jude Hidalgo, Jufe-ann Cocoy at Minette Bentillo para bokyain ang Myanmar 3-0 at Laos 3-0 para manatiling lider sa Group A kasama ang Thailand.
Maghihiwalay ng landas ang Filipinos at Thais sa huling laro sa elimination par amalaman ang ranking sa Final Four.
Nabigo ang Philippine men at women netters sa hosts Anning China, 1-4 at Sri Lanka, 1-2, sa Mixed Team event.
Kakailanganin nina University standouts Marcen Gonzales, Gab Tiamzon, Aidyll Ignacio at national women players Marian Capadocia, Clarice Patrimonio at Shaira Rivera na manaig sa Mongolia sa last round robin match para makahirit ng three-way tie sa Thailand at Sri Lanka.
Nasa semifinals na ang Anning China kasama ang Hongkong China at Malaysia.
KAPWA nanaig ang defending three-time champion National University at University of Santo Tomas sa pagbubukas ng UAAP Season 82 Women’s Taekwondo Championships sa Blue Eagle Gym.
Magaan na ginapi ng Lady Bulldogs ang University of the East at Ateneo para manatiling imakulada sa 14 individual matches at 2-0 marka sa liga.
Nanguna sa NU si team captain Irish Razon, nagwagi kay Winslet Rosel ng Ateneo, 18-16, at UE’s Donna Duque, 11-0.
“Nag-prepare na po kami talaga ng sobra. Lalo na po ilan po kaming ga-graduate. Sabi namin, ‘Last na ‘to, dapat i-claim na natin ‘to,” sambit ni Razon.
Nahati naman ang kampanya ng UP at De La Salle University para sa 1-1 karta.