SERYOSO si Dominic Nathan Paragua na sundan ang mga yapak ng tiyuhing si Grandmaster Mark Paragua.
Tinanghal na kampeon sa 2019 Columbus Day Chess Championship sa New York ang batang Paragua tangan ang perpektong 4.0 puntos.
Ginapi niya sina Gabriel Balmaceda (first round), Roberto Hernandez (second round), Miles Soichet-Mason (third round) at Chenran Zhao (fourth round).
Si Dominic Nathan ay tumapos sa five-way tie sa unahang puwesto kasama sina Kirby Lin, Andrew-Yesung Kim, James Bondarchuk at Rafael Robinovich, subalit nakamit ng 10-year old 5th grade Bathan pupil ang top honor dahil sa superior tiebreak points.
Tumapos si Lin ng ika-2 puwesto na sinudan naman nina Kim (3rd), Bondarchuk (4th) at Robinovich (5th) na may tig four points.
May kabuuang 100 katao ang lumahok mula sa 40 different schools na binubuo ng mga mag aaral ng grade 3 hangang grade 5 participants ayon kay Jan Vincent Paragua, nakababatang kapatid ni GM Mark na ama ni Dominic Nathan.