PRIETO DIAZ, Sorsogon – Para sa isang elementary public school teachert na itinalaga sa isang malayong baryo sa bayang ito, ang kahulugan ng edukasyon ay higit sa mga libro, aralin at grado. Ito ay mas personal.

“I realized that the real education is not all about academics. The true goal of education is intelligence plus character. At the end of school year my pupils will maybe forget what I taught but one thing for sure will remain about me is that how I made them feel,” sinabi ni Airyn Flestado, isang Grade 6 pupil sa San Jose Elementary School sa bayang ito, sa Balita.

Ang malalim na malasakit na ito sa kanyang mga mag-aaral kahit na wala na sila sa loob ng silid aralan ang nagtulak kay Flestado sa isang nakamamanghang misyon, na bumago sa buhay ng isa sa kanyang mga estudyante at pumukaw sa puso ng isang komunidad.

Nobyembre noong nakaraang taon, nagsimulang mapansin ni Flestado na ang pinakamatalino niyang mag-aaral, si Joanna Destajo ay palaging nahuhuli sa pagpasok o lumiliban sa eskuwela.

Eleksyon

Manny Pacquiao, binati mga nangunang senador: ‘Nawa’y maging tapat ang inyong paglilingkod’

Nagtataka, nagpasya siyang bisitahin ang bahay ni Joanna. Natuklasan niya na ang kanang paa ng ina ni Joanna na si Ana ay nasunog matapos itong himatayin dahil sa sobrang gutom.

“Yung kanilang lutuan kasi katabi lang ng higaan. Hinimatay si Ana dahil siguro sa sobrang gutom kasi natural na sa kanila ang kumain ng tatlo o apat na beses sa isang linggo. Nasunog yung paa ni Ana na hindi niya namamalayan,“ ani Flestado.

Kinailangang alagaan ni Joanna at ng kanyang nakababatang kapatid ang kanilang ina, kaya napipilitan siyang lumiban sa klase. Nalaman ng guro na si Ana ay kasal kay Jose Destajo, at mayroon silang dalawang anak na babae, sina Joanna Marie at Jolina Althea.

Namatay si Jose ilang taon na ang nakalipas sa hindi maipaliwanag na karamdaman habang nagtatrabaho sa isang construction site sa Metro Manila.

Naiwan si Ana na mag-isang pinalaki sina Joanna at Jolina. Kumikita lamang siya mula sa pagbebenta ng pili nuts at ginagamit niya ang perang ito para pambili ng bigas nilang mag-iina.

“Natural na po sa amin ang tatlong araw na hindi kumakain dahil walang napupulot na pili. Hetong kinatatayuan ng bahay namin, hindi naman po ito sa amin. Pinapaalis na nga po kami dito,” sinabi ni Ana.

Kahit na sila ang pinakamahirap sa kanilang baryo, ang pamilya Destajo ay hindi makakuha ng tulong ng gobyerno tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil wala silang birth records.

Sinikap ni Flestado na tulungan ang naghihikahos na mga Destajo sa abot ng kanyang makakaya, at sinimulan ito sa pagpapatayo sa kanila ng bahay.

“Humingi ako ng tulong sa aking mga kaibigan. Mga friends ko sa Facebook at media. Yung PRO-5 Press Corps kaagad ang tumulong at nagbisita mismo sa bahay ni Ana. Doon nabuo ang proyekto na magpagawa ng bahay para kay Ana at kasama na rin na maipasoksa 4Ps ang pamilya, “aniya.

Ang kapitan ng barangay na si Baltazar Dia ang nagkaloob ng lupa para sa pamilya.

“Ang lupa na kinatatayuan ngayon ng bahay, may mga papeles ‘yun na pag-aari na talaga nila Ana,” ani Flestado.

Noong Disyembre 2018, inilunsad ang proyektong “Let’s help build a house for Ana” sa pakikipatulungan sa San Jose Elementary School at sa PRO-5 Press Corps at si Flestado ang lead convenor.

‘Di naglaon ay bumuhos ang mga donasyon ng construction materials, pagkain at pera.

“’Yung intention namam talaga ay mabigyan ng maayos na bahay yung mga bata. Dalaga na sila, walang maayos na banyo. Sayang din kasi magagaling yung mga bata. Si Joanna, top sa klase at si Jolina nasa top 5 din sa kanyang klase,” paliwanag ni Flestado.

Nagsimula ang pagtatayo sa maliit na kongkretong bahay noong Enero. Nakumpleto ito nitong Hulyo. Dahil may bahay na, trinabaho naman ni Flestado ang pagtitiyak sa edukasyon nina Joanna at Jolina.

Hiniling niya sa administration ng St. Louis de Marilac College sa Sorsogon na payagan si Joana, tutuntong na sa high school sa susunod na taon, na mag-apply ng scholarship.

Hindi siya binigo ni Joanna. Nakuha nito ang scholarship.

Tinatapos naman ni Jolina ang kanyang elementartya sa San Jose Elementary School.

“I just wanted them to continue their education. Kasi kung ‘di mo tutulungan, baka mag-asawa ng maaga. May bahay din naman pero paano yung future,” sinabi ni Flestado.

“Teaching is a very noble profession that shaped the character and future of an individual. Making an impact and inspiration as a teacher to my pupil is very important to me,” aniya.

-NINO LUCES