KASUNOD ng permanenteng pagsara ng 55 Salugpungan schools, tiniyak ng isang opisyal ng Palasyo nitong Miyerkules na papalitan ang mga ito ng institutions na tunay na magtitiyak na magkakaroon ng mas magandang kinabukasan ang mga batang katutubo.

Ito ang reaksyon ni Undersecretary Severo Catura, ng Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS), kay Bishop Roberto Mallari ng San Jose, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ (CBCP) Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, na nalungkot sa pagpapasara sa mga paaralan ng mga katutubo sa Davao Region.

“We owe the hope of our country and of our indigenous communities no less than this,” saad sa pahayag ni Catura sa Philippine News Agency.

Aniya, paninindigan ng gobyerno ang responsibilidad nitong protektahan ang mga batang katutubo at kabilang na dito ang pagpoprotekta sa kanila sa mga kilabot ng terorismo, mula sa pagsasanay para maging batang mandirigma, dagdag niya.

“Lest we forget, the use of children as child warriors is the worst form of child labor and modern-day slavery,” aniya.

Sinabi niya na hindi kailangang mabahala ang mabuting Obispo mapapabayaan ang mga sinasabi niyang estudtyante at guro na apektado ng pagpapasara.

“The Department of Education (DepEd) and the local governments concerned are already addressing the issue,” ani Catura.

Sinabi ni Mallari, sa isang news article na ipinaskil online sa Vatican News noong Oktubre 14, na, “ I am saddened with the closure of the schools instead of making an effort to improve the education system.”

Idinagdag niya na dapat ikonsidera ng DepEd ang kapalaran ng mahigit 3,500 apektadong mag-aaral at guro at mas mainam nang mayroong mga paaralan, kahit na hindi natutupad ang mga kinakailangang kondisyon, kaysa wala talagang mga paaralan.

Sinabi ni Catura na tinatanggap ng gobyerno ang sentimiyento ni Mallari, hindi dahil sa sumasang-ayon ito sa kanya, kundi dahil sa ito ay magbibigay ng pagkakataon para malinawan ang kanyang mga alalahanin, at marahil ay para makapulong siya kung kanyang nanaisin.

“We share in his concern for the education of children in our indigenous cultural communities, and fully agree with the need for the government to do more in uplifting its quality. And this is precisely the reason why the Salugpungan schools had to be closed,” aniya.

Ikinalungkot na sa pagkahulog sa mga amay ng mga lokal na terorista, ang Salugpungan schools ay hindi na nagiging lugar para matutuo nang maayos na pamumuhay at nation-building ang ating mga katutubong kabataan.

“Instead, they have been used to teach violence, killing, and nation-destruction,” dugtong niya.

Ipinag-utos ng DepEd-11, nitong Oktubre 8 ang pagpapasara sa 55 kontrobersiyal na Salugpungan Ta’Tanu Igkanogon Community Learning Center, Inc. (STTICLCI) batay sa natuklasan ng five-man fact-finding committee na nilikha ng DepEd-11 noong Agosto.

Sinabi ni Jenelieto Atillo, DepEd-11 spokesperson, na ang desisyon ay hindi lamang ibinatay sa diumano’y kaugnayan ng STTICLCI sa New People’s Army (NPA), ngunit ipinakita ng findings ang samu’t saring mga paglabag, pagkukulang at compliance issues sa regulasyon sa panig ng school management.