Standings            W    L

*Ateneo              11    0

UP                       6     4

UST                     6     5

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

DLSU                  5     5

FEU                     5     6

AdU                     4     6

UE                        3     8

NU                       2      8

*semifinalist

Mga Laro Ngayon

(Ynares Center)

2:00 n.h. -- UST vs NU (Men)

4:00 n.h. -- FEU vs DLSU (Men)

PALAKASIN ang tsansa na umabot ng Final Four ang tatangkain ng University of Santo Tomas, Far Eastern University at De La Salle sa pagsalang nila sa nakatakdang double header ngayon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 Men's Basketball Tournament.

NABALEWALA ang dominanteng performance ni University of the Philippines standout Kobe Paras nang lapain ng University of Santo Tomas Tigers ang tropa ng Maroons, 84-78, para patatagin ang kampanyang sa Final Four ng UAAP Season 82 Men's Basketball Tournament nitong Miyerkoles sa MOA Arena. RIO DELUVIO

NABALEWALA ang dominanteng performance ni University of the Philippines standout Kobe Paras nang lapain ng University of Santo Tomas Tigers ang tropa ng Maroons, 84-78, para patatagin ang kampanyang sa Final Four ng UAAP Season 82 Men's Basketball Tournament nitong Miyerkoles sa MOA Arena. RIO DELUVIO

Kasalukuyang magkakasunod at dikit-dikit mula ikatlo hanggang ikalimang puwesto ang Tigers (6-5), Green Archers (5-5) at ang Tamaraws (5-6) kasunod ng

undefeated at pasok na sa semis na Ateneo de Manila (11-0) at ng pumapangalawang University of the Philippines (6-4) na inaasahang mas magpapatindi ng aksiyon sa huling stretch ng second round.

Mauunang sumalang ganap na 2:00 ngayong hapon ang UST kontra cellar dweller at wala na sa kontensiyon na National University (2-8) bago ang muling salpukan ng FEU at ng DLSU ganap na 4:00 ng hapon.

Magtatangka ang Tigers na kagagaling lamang sa bounced back win at ikalawang beses na paggapi sa Maroons ngayong season na maulit ang kanilang 87-74 na panalo kontra Bulldogs noong first round upang tumatag sa third spot at palakasin ang pag-asang makasingit pa sa no.2 slot.

Sa pagkakataong ito, inaasahang maglalaro na ulit para sa UST ang kanilang prized recruit mula Pangasinan na si Rhenz Abando kasunod ng di nito paglalaro sa nakaraang laban nila kontra UP dahil sa isyu ng loyalty matapos mapag-alaman na dalawang UAAP schools ang humihikayat sa kanyang iwan ang UST at lumipat.

Tiniyak naman ni Abando na mananatili siya sa koponan ng Tigers sa naganap na pagpupulong nila nina UST Athletic director Fr. Jannel Abogado at coach Aldin Ayo.  Marivic Awitan