TULOY ang programa sa grassroots level ng Swim Pinas sa pagsasagawa ng 3rd BEST Swimming Challenge Short Course kamakailan sa Colegio San Agustin swimming pool sa Biñan, Laguna.
Kabuuang 55 batang swimmers ang tumanggap ng ‘Most Outstanding Swimmer’ Awards, sa torneo ni inorganisa ni Swim Pinas team manager Joan Mojdeh, sa pagtataguyod ng Manang Colasas BBQ, Behrouz Persian Cuisine, Colegio San Agustin, Go Swim Amanzi at TYR.
Layunin ng torneo na mabigyan ang mga batang swimmers nang venue para mapataas ang kanilang ‘competitive level’ bago makasama sa delegasyon na isasabak sa torneo sa loob at labas ng bansa.
Tinanghal na MOS sa Class AB sina Shionloah San Diego, Dawn Camacho, Lia Babiera, Emilya Torres, Althea Villapena, Christine De Luna, Kelsie Cabangon, Nathan Adalin, Gabe Sy, Zahueed Sarmiento, Peter Dean, Julian Gonzales, Jahzeel Rosario Matthew Rala at Shane Ibarrola.
Nangibabaw naman sa Class C category sina Behrouz Mojdeh – nakababatang kapatid ni swimming phenom at Philippine junior record holder Jasmine -- Kean Sy, Lucas Leonor, James Alicer, Ben Calisin, Tynuel Modiong, Ryan Lotino, Jose Odonio, Mcymus Navarro, Maximus Maligat, Marx Dula, Jedrik Dy, Clara Maligat, Michelle Murphy, Marlen Calo, Princess Virrey, Zen Buhain, Justine Salagubang, Queen Tolentino, Kathrine Azores at Christine De Luna.
“It was a successful event. We are staging tournaments like this to help our young swimmers in their quest for sports excellence. Aside of local tournament, we’re planning to send them in competition abroad in the future,” pahayag ni Mojdeh.
Ginawaran naman ng MOS sa Motivational class sina Kylee Magtangob, Clara Maligat, Maya Tolentino, Ysabelle Asis, Akeisha Bernabe, Janina Virrey, Angela Babiera, Kean Sy, Lucas Leonor, Daniel Dimaano, Gellert Hernandez, Alexis Cantos, Joaquin Tolentino, Louis Leonor, Noah Buemio, Judd Esmael, Matthew Rala at Jedric Dy.
Nakopo ng Quezon Killerwhale Swimming Team ang overall team championship sa nakalikom ng 2,023 puntos, habang pumangalawa ang San Pedro Swimming Team at pangatlo ang Batangas Killerwhale.