SANA laging kunin ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival si Bela Padilla bilang host ng events nila dahil nakakaaliw siya na may pagka-taklesa rin pala.
Isa si Bela sa host kasama sina Direk Joey Javier Reyes at MMFF spokesperson Noel Ferrer sa announcement ng Final 8 entries para sa 2019 Metro Manila Film Festival nitong Miyerkules na ginanap sa Club Filipino at dinaluhan ng ilang artistang representative ng bawa’t pelikula.
Nagtawanan ang lahat sa biro ni Bela na, “na-trapik (rason) po kasi si MMDA Chair (kaya wala pa).” Late kasing dumating si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danilo Lim.
Kaya naman nang dumating na si Chairman Lim ay nagsabi kaagad siya ng, “pasensiya na po kayo at na-trapik ako.” Nagkatawanan ang lahat at sabi ni Bela habang pababa ng stage, “wala po akong sinabi, sir!”
At nang binasa na ni Chairman Lim ang Miracle in Cel No. 7 na kasama sa final 8 ay nagbiro naman si Noel ng, “at least si Bela (kasama sa pelikula) ay hindi na-trapik pagpunta rito.” Kaya nagtawanan na naman ang lahat.
Binati ng aktres si Chairman Lim, “hi sir, joke lang po. Sir, panoorin po ninyo ang Miracle in No. 7 kasama po ako (pero hindi siya pinansin). Parang ayaw po niya!” nakangiting sabi ni Bela.
Pormal kasi si Chairman Danilo Lim kaya siguro hindi nito nasakyan ang joke time ni Bela hindi katulad ni MMDA General Manager Jojo Garcia na sanay sa mga ganitong klaseng biruan.
Anyway, ang naunang apat na pelikulang kasama sa MMFF 2019 ay ang sumusunod:
Miracle in Cel #71. – Viva Films (Family Drama) – Aga Muhlach at Bela Padilla
Mission Unstapabol: The Don Identity2. – APT Entertainment/M-ZET Production (Comedy) – Vic Sotto at Maine Mendoza
Sunod – 3. Ten17P (Horror) – Carmina Villaroel
The Mall, The Merrier4. – ABS-CBN Film Productions, Inc/Viva Films – (Fantasy-Comedy) – Vice Ganda, Anne Curtis at Tony Labrusca
Ang huling apat na pelikulang 1. inanunsyo nitong Miyerkules ay ang mga sumusunod:
Mindanao1. – Center Stage Production (Drama/Animation) – Judy Ann Santos
Write About Love2. – TBA Studios (Romance) – Rocco Nacino, Miles Ocampo, Joem Bascon at Yeng Constantino
3POL Trobol Huli Ka Balbon3. – CCM Film Productions (Action) – Coco Martin, Ai Ai de las Alas at Jennylyn Mercado
Culion4. – iOptions Ventures Corp (Historical) – Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith at Meryll Soriano
Gaganapin ang Parade of the Stars sa 2. Disyembre 22 sa Taguig City at raratsada ang MMFF sa Disyembre 25 hanggang Enero 7, 2020. Sa New Frontier Theater ang Gabi ng Parangal sa Disyembre 27.
Sa mga pelikulang nabanggit ay bukod 3. tanging ang mga artistang sina Carmina (Sunod), Bela at Xia Vigor (Miracle in Cel #7), Jake Cuenca (Mission Unstapabol) at Iza (Culion) lang ang dumalo sa MMFF announcement.
Samantala, ang 8 Student Short Films 4. na kasama rin sa MMFF 2019 ay ang sumusunod:
De la Salle University Integrated School 1. Manila
University of Makati2.
Sagay National High School, Negros 3. Occidental
Centro Escolar University (2 entries)4.
Polytechnic University of the Philippines 5. - Santa Mesa
University of St La Salle - Bacolod City6.
Adamson University Manila7
-REGGEE BONOAN