KAMUNTIK maging alkalde ng Cebu City si Rene Espina, kahit pa nga sa mga pagpupulong nila ni Presidente Ferdinand Marcos, ay hindi niya ito hiningi. Wika ni Espina, “Are you serious Mr. President? I am not asking for it”. “Yes, yes, bring your family tomorrow morning we will have your oath-taking” buwelta ni Marcos. Pag-uwi ng aking ama, ibinalita niya ito sa amin. Kina-umagahan, nakagayak kami ng barong, papunta ng Malakanyang. Sa pangalawang pasukan ng Palasyo, humimpil ang aming sasakyan at pinasabi ang pakay sa presidential guard sa ‘oath-taking’.
Lumipas ilang minuto sa telepono, ipinaabot na “Postpone daw sir”. Nagduda ang aking ama. Pagkatapos ng ilang araw, natukoy ng aking tatay, na ang “Leyte Connection,”ang nagpalipad ng eroplano papuntang Cebu, sabay hinakot at ginatungan ni Kokoy Romualdez ang ilang politiko na tanggihan ang plano ni Marcos. Pananaw ni Romualdez, dapat Tacloban ang may “Say” sa politika ng buong Bisayas, hindi Cebu. Noong 1978, kahit ayaw tumakbo ni Espina, pinilit ng KBL bilang assemblyman. May “inside information” mula sa isang inaanak ng Ilocos Norte na nagbabala sa aking tatay, na doble ang balotang nililimbag nila para sa Bisayas. Pagdating ng halalan, pinapanalo ang kunwaring oposisyong ‘Pusyon Bisaya’. Huli na namin nabisto, na ang nagpondo sa ‘Pusyon’ ay mula sa Malakanyang at idinaan sa isang Comelec Commissioner. Layunin ng kawagian, na gawing ebidensya ng demokrasya sa Pilipinas at panakip sa paglampaso ng laban ni Ninoy sa Metro Manila. Noong Martial Law, nag-iba ang pamumulitika ni Espina. Naging Secretary-General siya ng Unido, na pinanguluhan ni Salvador Doy Laurel, katunggali ng KBL. Sa petsa ng pag-uwi ni Ninoy sa Pilipinas, pinili si Espina habang kausap ni Laurel si Ninoy sa telepono, bilang paggunita sa Plaza Miranda Bombing. Ang kulay dilaw ng mga Aquino mula sa paboritong kulay ng aking ama sa kanyang kampanya bilang gobernador at senador. Ako nag-disenyo ng dilaw na t-shirt para Unido. Hiniram ko sa aking ama, habang ang “Hindi Ka Nag-iisa,” ang naisip ko. Mabait na ama, tapat na asawa, at matinong politiko si Rene Espina. Salamat Dad!
-Erik Espina