MULING winalis ng Cignal ang University of Perpetual Help, 25-15, 25-18, 25-17 upang makopo ang unang upuan sa 2019 Spikers’ Turf Open Conference Finals noong Martes sa Paco Arena.

Umiskor si four-time MVP Marck Espejo ng 14 puntos mula sa 11 attacks, dalawang kill blocks, at isang ace bukod pa sa 12 excellent receptions at 6 na digs upang pamunuan ang Cignal sa ikawalong sunod nitong panalo.

“I think it’s all about preparation kasi kahit medyo na dominate namin yung first game, hindi talaga kami tumigil. Nagviewing pa rin kami, pinanood namin yung mga lapses namin, kung ano yung mga errors namin kaya handa kami,” ani Cignal coach Dexter Clamor.

Nalamangan pa ng isa sa third frame, natulungan sina Espejo, Wendel Miguel at skipper Ysay Marasigan, upang bigyan ang HD Spikers ng apat na puntos na kalamangan, 16-12.

Tinapos naman ni Alfred Valbuena ang set sa pamamagitan ng back-to-back hits.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Nanguna naman sa natalong Perpetual Altas si Kennry Malinis na may 8 puntos.

-Marivic Awitan