TAMPOK na panauhin ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare, ang bagong kampeon sa PBA D-League, sa gaganaping “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club.

TOPSLOGO

Inaasahang magbibigay ng kanilang saloobin sa naganap na championship match kontra Marinerong Pilipino sina Basilan coach Steve Tiu, assistant coaches Jerson Cabiltes at Jino Manansala, kasama ang mga top players na sina Jhaps Bautista, Hesed Gabo at Alfred Batino.

Imbitado rin sa lingguhang sports forum ganap na 10 ng umaga sina Philippine National Anti-Doping Organization (PHINADO) president Dr. Alejandro Pineda at Wu Lin Feng Global Fighting Championships-Philippines promoter Maynard S. Marinas, Aaron Catunao ng Fight Night Productions at local kickboxing champions Mark Alcoba at Dindo Camansa.

Nakatuon ay usapin ni Dr.Pineda sa anti-doping program ng PHINADO, sa pakikiisa ng Philippine Sports Commission (PSC), para sa 30th Southeast Asian Games.

'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala

Tatalakayin naman nina Marinas at Catunao ang kauna-unahang professional kickboxing competitions sa bansa na gaganapin sa Oct. 23 sa Cove ng Okada Manila.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat na makiisa sa programa na mapapanood sa Facebook livestream sa pamamagitan ng Glitters Livestreaming at pagtataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.