Capas Tarlac City -- Senertipikahan bilang class one facility ang bagong tayo na New Clark City Athletics Stadium at Aquatic Center dito.

Mismong ang International Athletics Association (IAA) at (International Swimming Federation (FINA) ang nagbigay ng sertipikasyon para sa nasabing main hub ng nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEA Games) sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Kabilang sa mga dumalo upang muling silipin ang mga pasilidad sa NCC ay sina Philippine Sports Commission (PSC) commissioners Ramon Fernandez at Arnold Agustin, Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino at si Senator Christopher ‘Bong’ Go.

“Magiging masaya po ang ating Pangulo sa pagkakagawa ng nasabing sports facilities dito po sa Pampanga. Ngayon, masisiguro na po natin na makakapag hubog po ang Pilipinas ng mga world class athletes gaya nina Caloy Yulo, Nesthy Petecio at Ej Obiena now that we have an access to the world class facilities dito sa ating bansa,” pahayag ni Go.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ayon naman kay Vince Dixon na siyang Presidente at CEO ng Bases Conversion Development Authority (BCDA), handa na ang pasilidad para sa libo-libong atleta at turista na makikiisa sa biennial meet.

“It was just a dream before. But because of the built built program ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, natupad po ang dati ay pangarap lamang,” pahayag ni Dizon.

Ang aquatic center ay may kabuuang 2,000 na upuan at may siyam na lanes para sa swimming habang ang Athletics Stadium naman ay may kabuuang 20,000 seating capacity, kasama din ang Athlete’s village.

Siniguro ni Dizon na hindin lamang para sa hosting ng SEA Games magagamit ang New Clark City na aniya’y handa ring maging permanenteng tanggapan ng ilang ahensiya ng gobyerno sa hinaharap.

Bukod dito, itatayo rin malapit sa nasabing venues ang Philippine National High School for Sports na magagamit para sa kabataang nais na palawigin pa ang kaalaman sa larangan ng palakasan.

Samantala, ipinahayag ni PHISGOC COO Ramon Suzara na gaganapin dito ang test event sa athletics sa 22-29.

-Annie Abad