NANATILI namang matatag ang kampanya ng La Salle sa Final Four ng UAAP Season 82 Women’s Basketball Tournament matapos gapiin ang University of the East, 64-57, nitong Miyerkoles sa MOA Arena.

NILUSUTAN ni Maureen Okoli ng La Salle ang depensa ng University of the East sa isang tagpo ng kanilang laro sa UAAP women’s basketball tournament

NILUSUTAN ni Maureen Okoli ng La Salle ang depensa ng University of the East sa isang tagpo ng kanilang laro sa UAAP women’s basketball tournament

Hataw si Kent Pastrana sa Lady Archers sa naiskor na 17 puntos, anim na rebounds, at limang assists para sa 5-5 karta.

Kumana si Nigerian center Maureen Okoli ng 10 puntos, anim na boards, tatlong assists, at isang block, habang tumipa si Charmaine Torres ng walong puntos at limang rebounds.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Of course, we’re taking it one game at a time for us to survive and enter the Final Four,” pahayag ni coach Cholo Villanueva.

Nasa No.5 ang La Salle, isang laro ang pagitan sa Far Eastern University at Adamson, na tabla sa No.4 kipkip ang parehong 6-4 marka.

“We’re not looking that far. We need to outwork our opponents in each possession and win each possession and it could only lead to a win,” aniya.

Bagsak ang UE sa 1-10.

Natuldukan naman ng Far Eastern University ang losking skid sa 71-66 panalo kontra Ateneo.

Humirit si Clare Castro ng 23 puntos at 10 rebounds para maibawi ang Lady Tamaraws mula sa magkasunod na kabiguan sa National University at University of Santo Tomas.

“Morale-boosting sa amin yung nilaro ni Delos Santos,” sambit ni FEU head coach Bert Flores. “Hirap na hirap kami makuha yung panalo nung NU at UST. Ngayon bawal na kaming matalo if gusto pa namin mag top two.”

-Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

DLSU (64) -- Pastrana 17, Okoli 11, Torres 8, Quingco 6, Revillosa 6, Sario 6, Dalisay 5, Paraiso 4, Jimenez 2, Binaohan 0, Castillo 0, Espinas 0, Jajurie 0, Malarde 0.

UE (57) -- Pedregosa 16, Cortizano 15, Ganade 11, Cuadero 7, Terrinal 6, Ordas 2, Fernandez 0, Nama 0.

Quarterscores: 23-16, 34-25, 58-38, 64-57.

(Ikalawang Laro)

FEU (71) - Castro 23, Delos Santos 16, Jumuad 8, Quiapo 8, Abat 6, Mamaril 4, Antiola 3, Bahuyan 3, Pacia 0, Vidal 0.

Ateneo (66) - Joson 15, Newsome 13, Yam 11, Payac 10, Moslares 5, Villamor 5, Cancio 4, De Dios 3, Aquisap 0, Chu 0, Guytingco 0.

Quarterscores: 18-23, 38-38, 58-49, 71-66.