BAGO ang ganapin ang Miss Earth International 2019 SA Cove Manila, Okada, Parañaque City sa Oktubre 26 ay nag-iikot ang 85 kandidata suot ang gawa ng mga kilalang Pinoy designer sa iba’t ibang tourist spots ng bansa.
At anim sa 85 Miss Earth International candidates suot naman ang kani-kanilang signature designs na sina Miss Poland Krystyna Sokolowska, Miss Russia Anyta Baksheeva, Miss US Virgin Islands Talisha White, Miss Nigeria Modupe Susan Garland, Miss Thailand Teeyapar Sretsirisuvama at Miss Argentina Florencia Baretof ang dumalo sa pagbubukas sa bagong renovate na branch ng Bioessence sa SM Bacoor, Cavite kamakailan at nagpapasalamat sila dahil laging nakasuporta ang skin services center sa nasabing beauty pageant.
Natatapat na kapag Oktubre ay month long anniversary ng nasabing skin center services ay siya ring pagdating ng Miss Earth International candidates sa bansa kaya naman excited sila dahil bago ang coronation night ay nakakapag-relax sila sa quality services na ibinibigay sa kanila.
Kaya naman nagpapasalamat ang Bioessence COO na si Joseph Feliciano at marketing director Anj Alip sa patuloy na pagtangkilik sa kanila ng Miss Earth International organization dahil sa tuwing may event ang mga branch nila ay suportado sila.
Ayon kay Josepth kaya lagi silang binabalik-balikan ng Miss Earth International candidates na naging word of mouth na sa iba.
“The one thing that is consistent is I think the relationship with our staff, a lot of people say, it’s very family atmosphere, it’s like their second home aside from good quality service.
“Bioessence is really known for facial. We have slimming and spa services. Pero marami talaga facial. I would say more than 70 percent of our client ang ipinagagawa nila is facial treatment. Actually not only facial more of skin treatments in general.
“We also make it a point na once or thrice a year may inilo-launch din kaming treatment. The latest is the Kahilom facial where we are using the plasma machine, microneedling treatment. And the most popular is the Oxygen treatment. Although it’s not new, na-launch namin ito two years ago pa yata, pero ito ‘yung gustong-gusto ng client kasi it’s all in one. We have the fusion there, RF, basically a lot of machine put in that treatment. Kumbaga, ito ‘yung pinakasulit,” kuwento ng batang COO.
Pang 36 branch na ang SM Bacoor at 15 years na itong existing at isa sa pinakamalakas nila bukod sa main branch nila sa Davao kung saan ito nagsimula.
“We just recently renovated this Bacoor branch to give our clients the best experience as possible and as you can see, we promote our Filipino culture as you tour around the clinic you see a lot of Pinoy elements, banig designs, especially the Mindanaoan. This branch has 25 rooms, 25 beds, one of our biggest. Our usual branch usually we don’t have that much like we only have 12 rooms. I think we have around 5 big branches, Bacoor, Southmall, Makati City, Davao, CDO (Cagayan de Oro). Before the year ends, we’re going to open another branch in Ayala Mall North Exchange,”kuwento ni Joseph.
-REGGEE BONOAN