NITO lang nakaraang Linggo, October 13, 2019 to be exact, a young artist named Cyd Pangca from Bukidnon wows the audience of The Voice Kids Season 4 nang mapusong biritin nito ang kantang When We Were Young song of Adele and gave his all he can to get a slot in the semi-finals nang nasabing Kids singing talent show.
Bago kinanta ni Cyd ang kanyang pambatong awitin ay sinabi niya na dinede-dedicate daw niya sa Mother Dearest niya kantang pinasikat ni Adele titled nga When We Were Young.
“You showed some different levels, it felt real to me..na sabi mo nga, it’s your Mom’s favorite song…I can feel that connection…yon pala yon. So, congratulations.” Papuring comment ni Coach Bamboo.
Tinanong naman ni Coach Lea si Coach Sarah nang…”Okay ka lang, Sars?” na makita niya ang labs ni Matteo Gudicelli na tipong teary eyed.
“Tinamaan ako, eh. Sa kanta niya, grabe. Yon pala..yon pala ang kuwento mo behind that performance kaya pala ganu’ng ka-powerful. Paborito ko yung kung paano mo inumpisahan ang kanta at dalawang beses akong napa-Wow. Kumbaga, meron siyang tatak Coach Lea na ang linis ng pagkanta…yung…ay, speechless ako, eh. Iba ka.” Sagot ni Coach Sarah Geronimo.
“That’s it. ‘Yung connection mo sa kanta, buo, so noong umiyak ka na sa huli, sinasabi ko na sa sarili ko, there we are, nakarating na tayo doon sa lugar na gusto kong puntuhan mo,” sabi naman ni Salonga kay Pangca.
Niwey, with Cyd Pangca’s emotional performance, he hopes to reach the semi-finals this season, after previously failing to move on from the battle rounds in the third season ng The Voice Kids.
Well, goodluck to you, Cyd Pangca of TVK4!
-MERCY LEJARDE