TOTOO nga na very comfortable na sa isa’t isa ang magka-love team na sina Jeric Gonzales at Klea Pineda, tulad nang sabi nila sa mediacon ng bago nilang GMA Afternoon Prime drama series na Magkaagaw.

Nang i-introduce na ang buong cast na kinabibilangan nina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, Polo Ravales, Dennis Padilla, Isay Alvarez, Lovely Abella, Patricia Tumulak, Joanna Marie Tan, nang magkatabi na sina Klea at Jeric, magka-holding hands na sila at kahit after ng mediacon at ini-interview na ng 24 Oras ang dalawa, magka-holding hands pa rin sila nasa likod nila ang mga kamay nila.

Sa “Magkaagaw,” young husband and wife ang characters nila as Jio and Clarisse respectively, kaya nagkaroon sila ng anak. Pero maaagaw ni Veron Santos (Sheryl) si Jio, nang malaman niyang si Clarisse ay anak ng kanyang mortal enemy na si Laura Santos (Sunshine) at gusto niyang maghiganti. Maraming love scenes at kissing scenes si Jeric kina Klea at Sheryl, kaya pinag-compare sa kanya ang mga eksenang iyon.

“With Klea po, it was a passionate love scene, but with Ms. Sheryl, it was the aggressive ones,”sagot ni Jeric. “It’s good po na nagkaroon kami ng familiarity workshop ni Klea, kaya po naging comfortable kami sa isa’t isa.”

Tsika at Intriga

Sisteret ni Aira Lopez, ‘di nililigawan ni Wille Revillame

“Napaka-gentleman po ni Jeric sa mga love scenes namin,” say naman ni Klea. “Wala na po kaming personal preparation, pakiramdaman na lamang. Hindi nalilimutan ni Jeric tanungin ako kung saan ako comfortable at kung okey lamang ang ginagawa namin sa eksena. At saka nandoon po naman si Direk Gil Tejada to guide us.”

Second team-up na ito nina Jeric at Klea dahil last year, sila rin ang magka-love team sa Ika-3 Utos pero gumanap lamang silang mag-sweetheart. Itinuloy na lamang nila iyon ngayong muli silang nagtambal.

“Nakatulong din po sa amin na binigyan kami ng GMA Regional TV ng mga mall shows sa Iloilo at Cebu, to promote “Magkaagaw,” kaya lalo po kaming naging close na dalawa.”

Ang maganda pa sa dalawa, dahil pareho namang single, nang tanungin kung pwede bang maging sila, sagot nila, “why not po.” Wala rin naman kasi silang ka-love team separately.

May special participation si Quezon City Congressman Alfred Vargas sa “Magkaagaw,” na sa Monday, October 21 na, ang world premiere after ng Eat Bulaga at mapapanood ito from Mondays to Saturdays.

-Nora V. Calderon