PARA mas malinaw at mas maliwanag ang punto niya sa traffic issue, nag-issue ng statement si Marian Rivera at pinost din nito ang online report sa kanyang Instagram (IG) account para siguro makumpara ang report at ang pahayag niya na naging daan para siya ma-bash.

MARIAN

“Lahat tayo ay biktima ng trapik, at kani-kanyang paraan lang kung paano tayo mag-cope sa sitwasyon. Ang tanong po kasi during the interview- kung panonoorin at pakikinggan niyo ang buong clip- ay nakatuon sa aking pamamaraan kung paano ko personal na itinatahak ang problemang ito ng ating lipunan, kaya’t sinagot ko naman iyon ayon sa kung ano ang totoo sa akin- at sa akin lamang. I just wanted to give a light take on my personal experience, but was misinterpreted. Hindi ko po nilalahat at lalu nang ginawang pangaral sa publiko ang aking pahayag.

Kung sana’y naging mas responsable lang ang Philstar com sa kanilang headline at sa hindi pag-edit ng tanong sa umpisa ng original video, hindi ako ma-tatake out of context...

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pinaninindigan ko po ang aking sagot and i take full responsibility, pero humihingi rin ako ng paumanhin sa mga nasaktan, nainis, napikon at kahit sa mga mema lang-hindi ko po nais na gawin ito sa inyo. Sa susunod, magiging mas maingat ako sa aking mga sinasabi, at sana ganoon din ang mga pahayagan na tinitingala ng nakakarami.

Kinikilala ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik. Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling an gating mga mahal sa buhay-wala pong may gusto nito...

Peace everyone

Hindi po ako super rich, gaya ng sabi ng Philstar.com maykaya, opo, dahil pinaghirapan ko po yun.”

Nalinawan ang marami sa press statement ni Marian, may mga nag-comment na wala siyang dapat ihingi ng apology, pero ginawa pa rin. Katuwa ang comment na “salamat sa paghingi ng paumanhin, Yan! Okay na tayo.”

-Nitz Miralles