Ang gymnast Carlos Yulo at boxer Nesthy Petecio ay tatabo ng P1 million mula sa gobyerno bilang pabuya sa kanilang world championship performance.

Napaluhod si Nesthy Petecio sa tuwa nang i-announce na nanalo siya.

Napaluhod si Nesthy Petecio sa tuwa nang i-announce na nanalo siya.

Ang 19-anyos na Yulo kaunaunahang Filipino gymnast na nanalo ng gold matapos siya maghari sa floor exercise sa FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany, Sabado.

Kinuha naman ni Petecio ang gold sa featherweight class sa AIBA Women’s World Boxing Championships sa Ulan-Ude, Russia noong Linggo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa ilalim ng Republic Act 10699 o “Expanded Incentives Act”, P500,000 ang matatanggap ng isang atletang Pilipino na mananalo sa “qualifying competitions for world-level games” at P1 million para sa “world-level competitions held at least every two years with at least 45 countries participating.”

Bibigyan is Yulo ng P500,000 para sa panalo niya sa floor exercise at karagdagang P500,000 para sa makasaysayan niyang performance, base sa board resolution ng Philippine Sports Commission (PSC), hayag kahapon ni PSC Chairman Butch Ramirez.

“They deserved these,” saad ni Ramirez.

Isa pang boxer, si Eumir Marcial, ay makakatanggap ng P500,000 para sa silver medal na pinanalunan niya noong isang buwan sa 2019 AIBA World Boxing Championships sa Yekaterinburg, Russia Act.

Bibigyan din ng PSC ng P250,000 ang pole vaulter na si EJ Obiena dahil nag-qualify siya sa 2020 Tokyo Olympics.

“Ibinubuhos na namin ang suporta sa atleta. We’re embracing the signs and evolution of Philippine sports,” sabi ni Ramirez.

-Kristel Satumbaga